Vaness del Moral engaged to non-showbiz boyfriend

IMAGE Matt Kier Facebook account

Kapuso actress Vaness del Moral has been engaged to her non-showbiz boyfriend Matt Kier for five months now. She initially wanted to keep it a secret, but during a recent TV guesting, hosts Camille Prats and Suzi Abrera noticed her engagement ring and persuaded her to share her good news.


Kabilang sa listahan ng mga celebrities na nag-announce na kanilang engagement ngayong taon ay ang Kapuso actress at kontrabida ng afternoon teleserye na Impostora na si Vaness del Moral.

Nag-propose daw sa 29-year old actress ang non-showbiz boyfriend nitong si Matt Kier habang nagbabakasyon sila sa Coron, Palawan noong nakaraang birthday niya last May.

Kaya five months nang engaged si Vaness at sinisikreto nila ito.

Iilan lang daw ang nakakaalam sa ginawang proposal ni Matt.

Nabuking lang si Vaness nang mag-guest ito sa programang MARS kamakailan at napansin ng mga hosts na sina Camille Prats at Suzi Abrera ang kumikinang na singsing sa kaliwang kamay ng aktres.

SECRET. Pilit pa ngang tinatago ito ni Vaness, pero dahil sa pangungulit nila Camille at Suzi, inamin na niyang engaged na raw siya.

More than two years na nga ang relasyon ni Vaness kay Matt.

Nasabi na noon ni Vaness sa isang interview na ito na raw ang pinakamasayang relasyon niya sa lahat.

Nag-umpisa raw sila ni Matt bilang magkaibigan.

Matagal na raw silang magkakilala ni Matt at two years ago lang daw niyang na-realize na ang taong magpapasaya sa kanya ay matagal na niyang nakakasama.

PAST RELATIONSHIP. Huling nakarelasyon ni Vaness bago dumating sa buhay niya si Matt ay ang aktor na si Biboy Ramirez.

Nag-break sila noong 2013 pagkatapos ng apat na taong relasyon.

Si Matt nga raw ang isa sa dahilan kaya naka-move on si Vaness pagkatapos ng breakup niya with Biboy.

Wala namang nabanggit si Vaness kung kelan at saan sila ikakasal ng fiance niyang si Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN