Ara Mina reveals younger male star with a girlfriend is courting her: "Ang kapal, di ba?"

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina on finding the right guy for her: "Kahit hindi siya mayaman, basta responsible and who will love me for what I am. At saka kung sino yung magpapa-spark sa akin. Kasi pag walang spark, wala, e. Basta hindi ko hinahanap, darating 'yan."


Inamin ng aktres na si Ara Mina na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon, pero tumanggi siyang tukuyin kung sino ang mga ito.

May pag-asa ba ang sinuman sa mga nagpaparamdam sa kanya?

Sagot ng 38-year-old actress, “Hindi ko masabi, kasi yung iba dun, may girlfriend na, e!

“Di ba, kaya ang kapal, di ba?”

Mas bata raw sa kanya ang tinutukoy ni Ara na ayaw niyang i-reveal kung sino.

Taga-GMA-7 ba o taga-ABS-CBN?

“Taga-ABS yata,” tugon niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng indie film na Adik kamakailan.

DATING HISTORY. Ano ba ang ang mas preferred ni Ara na karelasyon: taga-showbiz o businessman o pulitiko?

Ayon kay Ara, “Kasi ganito ‘yan… dati, sabi ko, ayoko na sa showbiz.

“Sabi ko, gusto ko businessman. Napunta ako sa businessman, waley din!

“Sabi ko, ayoko sa pulitiko, napunta ako sa pulitiko, waley na naman!

“So, sasabihin ko, ayoko sa non-showbiz…

“Dati, di ba, nagka-non-showbiz ako? Waley din, nabugbog, na-jombag ako!

“So, kung ano na lang.”

Sinong karelasyon niya ang nambugbog sa kanya dati?

“Tagal na, baka sabihin niya, ‘Binring-up mo na naman!’ Kasi friends na kami," tanggi ni Ara.

Patuloy niya, “So, kung ano na lang…. Ang inaano ko, either…

“Basta, kahit hindi siya mayaman, basta responsible and who will love me for what I am.

"At saka kung sino yung magpapa-spark sa akin. Kasi pag walang spark, wala, e.

“Basta hindi ko hinahanap, darating ‘yan.”

Kung babalikan ang dating history ni Ara, nagkaroon na siya ng boyfriends na mula sa showbiz, business, at pulitika.

Sa mundo ng showbiz, naugnay siya kina Polo Ravales, Jomari Yllana, at Keempee de Leon.

Ang businessman na naging boyfriend ni Ara ay si Raymond Yap.

Mula naman sa pulitika ang ex-boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan, Mayor Patrick Meneses, na ama rin ng kanyang two-year-old baby girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban dito, naugnay rin ang pangalan ni Ara sa boxer at pulitikong si Manny Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN