Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford

IMAGE Star Image Artist Management Facebook

Marlou Arizala on undergoing cosmetic surgery and changing his name into Xander Ford: "Gusto ko ipakita sa tao na yung dating Marlou na nilalait nila, kahit laitin nila ako ngayon, hindi na yun yung ako."


Kinumpirma ni Marlou Arizala na sumailalim siya sa cosmetic surgery upang patangusin ang kanyang ilong at padagdagan ng silicone ang kanyang baba.

Anim na oras ang itinagal ng operasyon kay Marlou sa Marikina Doctors Hospital and Medical Center noong nakaraang Lunes, September 4.  

Sa kanyang taped interview sa ABS-CBN lifestyle show na Rated K kagabi, September 10, sinabi ng 20-year-old dancer na “pangarap” niyang mabago ang kanyang pisikal na hitsura.

Si Marlou ay dating miyembro ng all-male group na Hasht5, at ngayon ay kabilang na sa bagong grupong Teen Trends.

Pahayag ni Marlou, “Natatakot ako sa surgery pero kailangan, e.

“Gusto ko ipakita sa tao na yung dating Marlou na nilalait nila, kahit laitin nila ako ngayon, hindi na yun yung ako.”

XANDER FORD: "MARLOU IS DEAD." Nagdesisyon din ang binata na palitan ang kanyang pangalang Marlou at makilala sa bago niyang screen name na Xander Ford.

Unang inanunsiyo ni Marlou ang tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay sa Facebook post niya noong September 4.

Mayroon itong caption na nagsasabing, “Marlou is dead.” 

Ayon sa manager ni Marlou na si Vince Abasolo, sadyang isinabay ang pagpapalit ng screen name ni Marlou sa pagbabagong-anyo ng dancer-singer.

“Kapag nagbago ka ng mukha, it should follow na magbago ka ng pangalan, bago rin ang personality mo.”

Kumpiyansa ang talent management ni Marlou na may ibubuga ang binata at ang bago nitong all-male group na Teen Trends.

"May character yung bata, e," dagdag ni David Cabatawan ng Star Image Artist Management.

NETIZENS' REACTION. Hindi pa man ipinapakita ni Marlou ang resulta ng operasyon ay marami nang naglabasang memes ng kanyang bagong hitsura sa social media.

Narito ang isang "before" and "after" meme:

Mayroon ding netizen na gumawa ng fake Facebook account ni Xander.

Mayroon ding "before" and "after" meme na naghahalintulad kay Marlou sa K-pop star na sa Rap Monster ng sikat na all-male group na BTS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang Twitter user ang nag-post ng larawan ni Marlou na mayroon pang bandage ang ilong at leeg mula sa nagdaang surgery ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN