Saab Magalona's answer to Duterte supporters' insults and threats: "You will not silence me."

IMAGE Instagram (@saabmagalona)

Saab Magalona says to Duterte supporters with hate messages: "More reason for me to call this admin gross."


Hindi nagpatinag si Saab Magalona sa mga banta at batikos sa kanya ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte dala ng mga anti-Duterte tweets ng celebrity sa social media.

Tweet ng anak ng yumaong Master Rapper Francis Magalona noong weekend: “Duterte supporters can send me insults, death threats, rape wishes all they want. More reason for me to call this admin gross.”

Matapang pa niyang tweet: “You will not silence me.”


Nagsimula ang pambabatikos sa celebrity blogger nang mag-tweet siya laban sa administrasyon kaugnay ng pagkamatay ng ilang kabataan dahil sa anti-drug campaign ng pamahalaan.

Naging masigasig ang kapatid ni Maxene Magalona sa pagsagot sa ibang detractors niya.

Tinawag pang “kadiri” ni Saab ang mga pagbibiro ng Pangulo tungkol sa pagpatay sa mga drug addicts sa kanyang mga nakalipas na talumpati.




Bunsod nito, nagalit ang ibang tagasuporta ni Presidente Duterte kaya’t binatikos si Saab.

Pinadalhan nila ito ng mga mensahe sa social media na may pagbabanta at pag-aalipusta.



Ngunit kung merong mga bumabatikos sa social media kay Saab na pro-Duterte, meron ding mga nagpakita ng suporta sa dalaga.



Isa si Saab sa mga artistang pumuna sa kasalukuyang administrasyon dahil sa madugong anti-drug campaign nito, na kumikitil pati ng kabataan.

Kabilang sa ilang pang celebrities ay and entertainment TV host Bianca Gonzalez, newscasters Atom Araullo at Karen Davila, at entertainer/activist Jim Paredes. 


Stories We Are Tracking

Bianca, Atom, Karen, Mike condemn violent killings in PH
Bianca, Atom, Karen, Mike condemn violent killings in PH
Enchong, Pokwang, Bianca condemn drug war killings
Enchong, Pokwang, Bianca condemn drug war killings

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN