Robin Padilla cries foul over new hold departure order against him

IMAGE Noel Orsal

"Wala naman ako bagong kaso sa kahit saan na korte," Robin Padilla says, countering new hold departure order issued against him by the Bureau of Immigration.


Lubos na ipinagtataka ni Robin Padilla ang hold departure order laban sa kanya ng Bureau of Immigration.

Nalaman ng aktor ang tungkol dito dahil nais sana niyang um-attend ng isang event sa China.

Pahayag ni Robin sa kanyang Instagram post kahapon, September 10: “Akoy pinalad na maimbita ng mahal na prinsesa ng sultanate of sulu para tumungo sa china at masaksihan ang magaganap na pagdiriwang ng napakatandang relasyon ng malakas na bansang Tsino/China at ng Sultanate of Sulu... sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa bureau of immigration.” 

Matatandaang ginawaran si Robin—na nangampanya para kay President Rodrigo Duterte noong eleksyon—ng absolute pardon ng Presidente noong November 2016.

Kaugnay ito ng kaso niyang illegal possession of firearms noong 1994, kung saan napatunayang nagkasala siya.

Ngunit matapos ang tatlong taon, nakalaya si Robin sa pamamagitan ng conditional pardon na ibinigay sa kanya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Simula nito ay ilang beses nang nakalabas ng bansa si Robin.

Sa katunayan, nag-shooting pa ang aktor sa Amsterdam, Netherlands, noong 2013 para sa pelikulang 10,000 Hours.

Kaya naman nagtataka si Robin kung bakit ngayon ay pinagbabawalan siyang lumabas ng bansa.

Aniya, “Napakagulo ng naganap na ito spagkat noong akoy conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag alis ng Inangbayan pero ngaun na Absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI. Wala naman ako bagong Kaso sa kahit saan na korte.”

Wala raw makitang dahilan si Robin para pigilan siyang umalis ng bansa.

Kaya ang pakiusap niya, “Binigyan na po ako ng isang pagkakataon ng Pangulo Rodrigo Duterte sana po ay pati ang mga nasa ilalim na sangay ng gobyerno ay bigyan din ako ng pagkakataon.”

Diin pa ng 47-year-old actor, “Matanda na rin po ako ang mga ganitong legal stress ay damage na po ang binibigay hindi na po thrill.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na namang dagok ang bumalot sa isang makasaysayang ganap na makapagbibigay sana ng mas kamulatan sa aking pag aaral ng kasaysayan ng Inangbayan bago dumating ang mga mananakop na mga puti mula sa europa. Akoy pinalad na maimbita ng mahal na prinsesa ng sultanate of sulu para tumungo sa china at masaksihan ang magaganap na pagdiriwang ng napakatandang relasyon ng malakas na bansang Tsino/China at ng Sultanate of Sulu... sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa bureau of immigration. Napakagulo ng naganap na ito spagkat noong akoy conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag alis ng Inangbayan pero ngaun na Absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI. Wala naman ako bagong Kaso sa kahit saan na korte, wala akong makitang dahilan maliban sa TATTOO ko na dragon...baka pati ako ay TRIAD na rin.. naku po naman baka ipatawag pa ako ng senado abay hindi ko kayo tatanggihan game ako dyan ....nakapanghihina naman po ang binabayaran kong malaking tax kung palagi akong kasama sa usual suspect. Binigyan na po ako ng isang pagkakataon ng Pangulo Rodrigo Duterte sana po ay pati ang mga nasa ilalim na sangay ng gobyerno ay bigyan din ako ng pagkakataon. Matanda na rin po ako ang mga ganitong legal stress ay damage na po ang binibigay hindi na po thrill... sumaatin nawa ang kapayapaan Ameen..

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN