Ellen Adarna on viral videos with John Lloyd Cruz: "Hindi naman kami nag-yoga retreat, lol"

IMAGE Courtesy: @vania_carey / @iamkencovy on Instagram

Nagbakasyon daw sila at hindi nag-retreat sa Bantayan Island, Cebu, kaya normal lang daw ang kanilang party videos. Ito ang pahayag ni Ellen Adarna matapos mabatikos ng netizens si John Lloyd Cruz dahil sa videos nitong diumano'y lasing na lasing. 


Nagsalita na rin ang Kapamilya actress na si Ellen Adarna kaugnay ng viral videos nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Ang nasabing videos ay kuha sa apat na araw na bakasyon nina Ellen at John Lloyd, kasama ang ilan pang mga kaibigan, sa isang private resort sa Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu, mula September 7 hanggang 10.

Binatikos ng ilang netizens si John Lloyd dahil sa mga video nito na tila lasing habang kumakanta, sumasayaw, at nakikipagkasiyahan kay Ellen at barkada nila.

Ayon sa netizens, hindi raw inalagaan ni John Lloyd ang kanyang imahe bilang isang kilalang aktor at product endorser.

Sabi pa ng ilan, dapat daw ay hindi na in-upload sa social media ang mga video.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna "baby" during Cebu getaway

Kaugnay nito, ipinagtanggol ng radio disc jockey na si Rico Robles sina Ellen at John Lloyd laban sa bashers.

Sabi ni Rico sa kanyang Instagram post kagabi, September 10: “For those asking about this.. these people work hard, they had time off, they all took a vacation, had fun and had a few [beer emoticons]…

“C Mon guys it's 2017" #vacay#RandR #theydeserveit press like if you feel the same.”

Nagkomento si Ellen sa post na ito ni Rico.

Sabi ng Kapamilya sexy actress, “Word. Hindi naman kami nag-yoga retreat, lol.”


Ayon naman sa tatlong nakasama nina John Lloyd at Ellen sa kanilang bakasyon, nagpaka-normal lang si John Lloyd noong mga sandaling iyon.

Ginawa raw nito ang mga bagay na hindi niya karaniwang nagagawa.

“Clean fun” lang daw ang apat na araw nilang pagliliwaliw sa isla ng Bantayan.

Samantala, humingi na rin ng paumanhin si John Lloyd kaugnay ng mga kumalat niyang videos.

Kaya lang, hindi rin malinaw ang pinanggagalingan ng aktor.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
Source shuts down ugly talk about John Lloyd Cruz videos
Source shuts down ugly talk about John Lloyd Cruz videos


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN