Pokwang reacts to fellow Star Magic artist John Lloyd Cruz's viral videos

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Pokwang, John Lloyd Cruz's fellow Star Magic artist, reacts to the actor's videos that went viral.


Nagbigay ng kanyang reaksiyon ang komedyanteng si Pokwang sa viral videos ng kapwa niya Star Magic artist na si John Lloyd Cruz.

Mapapanood sa mga video ang aktor—habang nagsasayaw, kumakanta, dumidikit sa mga gasul, at kung anu-ano pa ang ginagawa—kasama ang sexy actress na si Ellen Adarna at iba pa nilang kaibigan.

Tila lasing o nakainom si John Lloyd sa mga video, na kuha ng isang barkadang kasa-kasama sa apat na araw na bakasyon ng aktor sa isang private resort sa Santa Fe, Bantayan Island, Cebu.

Umani ng negatibong reaksyon mula netizens ang videos ng Kapamilya actor dahil para raw itong "lasing" o "bangag."

Binatikos din ng netizens ang nag-upload ng mga videos sa social media dahil hindi man lang daw nito naisip na maaaring masira ang image ng matinee idol at endorser.

Sa pamamagitan ng Twitter ay naghayag ng kanyang saloobin si Pokwang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni John Lloyd.

Sabi ng buntis na komedyana, “Kung ako si JLC sampahan ko ng kaso yung nag upload ng video nya ng walang pahintulot!”


Ang nasabing videos ay in-upload sa Instagram ni Doreen Ting, isang non-showbiz friend ni Ellen na kasama sa nasabing bakasyon.

Pero bago pa man mag-expire at mabura ang IG Stories na ito ay may mga netizens na nag-repost na nito sa social media.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna "baby" during Cebu getaway

Inako naman ni John Lloyd ang kanyang mga naging kilos sa pamamagitan ng Instagram post din.

Humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga ikinilos, lalo raw sa mga "bata," pero wala raw siyang pagsisisi sa kanyang mga ginawa.

Ipinagtanggol naman ng Star Magic founder at head na si Johnny Manahan si John Lloyd.

Sinabi nitong lumaki lamang ang isyu dahil sa pagkalat sa social media ng mga larawan at videos na dapat ay naging pribado lamang.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
Johnny Manahan defends John Lloyd Cruz over viral videos
Johnny Manahan defends John Lloyd Cruz over viral videos


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN