Marian Rivera to pay for Ai-Ai delas Alas's wedding gown

IMAGE Noel Orsal

"Nagpapasalamat ako, kasi sa industriyang ito, bibihira ang makakuha ng tunay na kaibigan. So, si kambal o si Ai-Ai ang mako-consider ko na isa sa pinakamatalik kong kaibigan in showbiz," says Marian Rivera about Ai-Ai delas Alas.


Ikinagulat daw ni Marian Rivera na isinapubliko ng kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas ang magiging regalo niya sa nalalapit na kasal nito kay Gerald Sibayan.

Inamin ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Marian ang sasagot sa kanyang wedding gown, na gagawin ng fashion designer na si Frederick Peralta.

Natatawang sabi ni Marian tungkol dito, “Naku, ewan ko nga sa kanya, pinagsabi pa niya!

"Sabi ko, i-secret na niya, e.

“Kausap ko na yung designer niya, so excited ako para sa kanya."

Bagamat si Ai-Ai ang mamimili ng design ng kanyang wedding gown, may ilang suhestiyon din daw si Marian.

Hiniling din daw ng comedienne na si Marian ang gumawa ng kanyang wedding bouquet.

May flower arrangement business din kasi ang Kapuso actress, ang Flora Vida Perennial Blooms.

Sabi ni Marian, “Pine-pressure niya ako sa bouquet niya!

“Sabi ko, 'Kambal, ita-try ko, ha, kasi hindi pa ako marunong.'

“Nahihiya ako, e, kaya gown na ang sagot sa kanya.”

"Kambal" ang naging tawagan nina Marian at Ai-Ai matapos nilang gawin ang 2013 comedy movie na Kung Fu Divas.

Veil sponsors daw ang magiging papel ni Marian at ng mister niyang si Dingdong Dantes sa kasal nina Ai-Ai at Gerald.

Sabi raw ni Marian kay Ai-Ai, "Huwag mo na isama ang anak ko."

Paliwanag niya, “Naka-gown ako, naka-gown din yung anak ko, iintindihin ko pa ba? Ako na lang.”

Nakatakdang ikasal sina Ai-Ai at Gerald sa December 12.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas reveals wedding entourage lineup
Ai-Ai delas Alas reveals wedding entourage lineup

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa press conference ng bago niyang primetime series sa GMA Network, ang Super Ma'am, na ginanap sa Le Reve Events Place nitong Lunes, September 11.

CHILL BRIDE. Para kay Marian, maituturing niyang isa si Ai-Ai sa matalik niyang kaibigan sa showbiz.

Aniya, “Nagpapasalamat ako, kasi sa industriyang ito, bibihira ang makakuha ng tunay na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, si kambal o si Ai-Ai ang mako-consider ko na isa sa pinakamatalik kong kaibigan in showbiz.”

Paano naman niya ilalarawan ang kaibigan bilang bride-to-be?

“Mukhang hindi naman siya kabado. Chill na chill lang siya.

“At saka nakikita ko rin yung mapapangasawa niya kung gaano ka-'hay' sa kanya.

“Nakikita ko yun, nawi-witness ko, kasi nandun ako.”

May payo ba siya para sa kaibigang ikakasal?

Pabirong sabi ni Marian, “Siya ang dapat mag-advise sa akin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN