Solenn Heussaff shrugs off haters of husband Nico Bolzico's prank videos

IMAGE Solenn Heussaff Instagram

"I guess funny siya. I guess nagustuhan ng mga tao ang relationship [namin] kasi totoo. We're not trying to be perfect in front of the camera. That's how we are," says Solenn Heussaff about her husband Nico Bolzico.


Sa Instagram account ng asawa ni Solenn Heussaff, ang Argentine na si Nico Bolzico, makikita ang ilang prank videos kung saan inaasar at pinagtitripan nito ang Kapuso actress-TV host.

Marami ang natutuwa sa asaran at kulitan ng mag-asawa.

Ngunit mayroon ding bashers na nagsasabing tila nababastos na si Solenn sa mga ginagawang biro ng mister.

Pero, ayon sa Alyas Robin Hood actress, hindi siya apektado nito.

Pahayag niya, "There will always be trolls and bashers.

“Siyempre, bago siya mag-post, tinatanong niya, ‘Okay ba?’  

“E, I'm not the type naman to get mad.

"So funny talaga ang ginagawa niya."

Bagamat minsan ay naiinis si Solenn, kalimitan ay natatawa raw siya sa ginagawa ni Nico.

"Annoyed ako, pero funny naman, and he never posts without my consent naman."

Hindi ba siya naapektuhan ng haters o bashers sila?

"No, kasi ganun talaga ang mga tao," sabi ng French-Filipina actress at endorser.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa taping ng Alyas Robin Hood sa Toro, Quezon City, noong September 7.

FUNNY BONE. Kamakailan lang din ay marami ang nag-akalang na-offend ang kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff sa posts ni Nico.

Pero pinabulaanan ito ni Solenn.

Aniya, "No, ganyan talaga sila.  

“Kasi si Nico will always say, ‘Hay, naku si Solenn, palaging nagtatrabaho, wala kaming sexy time.’

"Sasabihin ni Erwan, 'Can you stop talking about sexy time in front of me?'

“Pero, it's a joke.”

Dagdag pa ni Solenn, “Kapag may serious na something, siyempre we talk within the family, hindi sa social media.

"I guess funny siya.

“I guess nagustuhan ng mga tao ang relationship [namin] kasi totoo.

“We're not trying to be perfect in front of the camera. That's how we are."

ONE YEAR AFTER. Noong May 21 ay nagdiwang sina Solenn at Nico ng unang anibersaryo ng kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang unang taon nila ni Nico bilang mag-asawa?

"Hindi ko nararamdaman kasi nasa Encantadia set ako!" natawang sabi ni Solenn patungkol sa dating primetime series ng GMA Network.

"Nasa Encantadia ako two days before my wedding.

"Natapos ang Encantadia taping two months after my anniversary."

Bilang isang misis, paano niya ipinapakita ang pag-aalaga sa asawa?

Ayon kay Solenn, "Kahit nasa bahay ako, homey, super-linis.  

“Nagluluto ako. Nilalagay ko sa freezer.

“Kasi wala akong katulong sa bahay, kaming dalawa lang.

“Kapag may konting free time ako, ako ang naggu-grocery, ako lahat.

“Ako ang nagpi-pay ng bills.  

“May joint account, but he doesn't think of anything pagdating sa bahay.

"So, yun yata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN