John Lloyd Cruz on his viral videos: "I've learned so much from this. I'm really sorry."

IMAGE Courtesy: Ogie Diaz on Facebook

"Lesson learned" daw kay John Lloyd Cruz (nasa likod) ang kontrobersiyang naidulot ng kanyang viral videos. Bumalik na ito sa trabaho ngayong araw, September 12. Kuha ang larawang ito sa taping ng Home Sweetie Home, kung saan kasama ni John Lloyd (left to right) sina Ellen Adarna, Ogie Diaz, at Bearwin Meily.


Wala raw pinagsisisihan si John Lloyd Cruz sa pagkalat ng videos niyang kuha mula sa apat na araw na bakasyon, kasama ang aktres na si Ellen Adarna at ilang mga kaibigan, sa Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu.

Ito ang naging pahayag ng aktor sa co-star niya sa sitcom na Home Sweetie Home, na si Ogie Diaz, na ibinahagi naman ng comedian-talent manager sa kanyang Facebook account ngayong Martes, September 12.

Nangyari ang pag-uusap ng dalawa sa taping ng kanilang comedy series ngayong araw rin.

Saad ni Ogie sa kanyang Facebook post, “Niyakap ko si JLC pagkita namin sa taping ng Home Sweetie Home. Alam na niya ang ibig sabihin ng mahigpit na yakap.”

Sabi raw ni John Lloyd sa kanya: “Natuto ako, Ogs.

"Wala naman akong pinagsisisihan, we were enjoying that time.

"Nalungkot lang talaga ako dun sa dirty finger. Ayoko siyang makita ng mga bata.

"I've learned so much from this. I'm really sorry."

Ang tinutukoy ng 34-year-old actor ay ang video at picture na nai-post sa Instagram kung saan nag-dirty finger sign siya.

Dagdag ni Ogie, “Natuwa din si JLC, dahil despite the viral videos, marami pa rin daw siyang nabasang comments na ipinagtanggol siya at naintindihan siya.”

Sabi raw ng aktor sa kanya: “Gulat talaga ako dun. Dami nag-defend din sa akin sa mga comments. Nakakatuwa.

"Pero, siyempre, lesson learned for me ito. Thank you sa lahat."

Pahayag naman ni Ogie, “In fairness to majority of the netizens, madali silang makaunawa, magpatawad, lalo na at first time lang naman ito nangyari kay Lloydi.

“Wala naman siyang tinapakang ibang tao, wala naman siyang dinehadong kapwa.

"Naalala pa rin ng mga tao na TAO lang din si Lloydi. Tulad natin, nagkakamali, nagsisisi at natututo.

“Nangyari na ang nangyari, next step: moving on and moving forward.”

Ngayong linggo ay nag-viral sa social media ang videos nina John Lloyd at Ellen, kasama ang ilang kaibigan, habang ini-enjoy ang magandang isla ng Bantayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinalungkot naman ng netizens ang mga nasabing video kung saan hindi raw kaaya-aya ang kuha sa aktor at product endorser.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna
John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna "baby" during Cebu getaway

Nauna nang humingi ng dispensa si John Lloyd sa kanyang Instagram post kahapon, September 11.

Ayon naman kay Ellen, nagbakasyon sila, hindi "nag-yoga retreat," kaya ganun ang kilos nila.

Dinepensahan naman si John Lloyd ng Star Magic head na si Johnny Manahan, na nagsabing nag "let off steam" lamang ang aktor na kung magtrabaho ay umaabot ng magdamagan.


Stories We Are Tracking

Johnny Manahan defends John Lloyd Cruz over viral videos
Johnny Manahan defends John Lloyd Cruz over viral videos
Source shuts down ugly talk about John Lloyd Cruz videos
Source shuts down ugly talk about John Lloyd Cruz videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
Ellen on viral videos:
Ellen on viral videos: "Hindi naman kami nag-yoga retreat"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN