Enrique Gil denies being "suplado" in recent fan photo; says social media "very, very dangerous"

IMAGE Noel Orsal

With two photos recently getting a bad rap from fans, Enrique Gil is wary of social media: "piniktyuran ka, di ka nakatingin, kunwari may tumawag sa iyo, may fan. I-caption lang nila 'yun... I-edit ang caption, ang hirap."


Binatikos sa social media si Enrique Gil nang kumalat ang larawan nitong naka-shades at nagte-text habang nagpapakuha ng litrato sa isang fan sa airport.

Ang litrato ay nakunan habang papunta si Enrique, kasama ang ASAP cast and crew, sa Toronto, Canada, upang mag-perform sa Ricoh Coliseum nung July 28.

Ayon sa 25-year-old actor, “Nasabi sa akin ni Tita Mariole pagdating ko sa Canada."

Ang "Tita Mariole" na tinutukoy ni Enrique ay si Mariole Alberto, head ng  Star Magic, ang ABS-CBN talent-management armna nangangalaga sa career ng aktor.

“Nasa airport ako nun dito, nag-a-attitude daw ako, naka-glasses ako, di raw ako tumingin.

“Pag nagpi-picture sila marami, naalala ko yung babae na yun, lahat nagtatanong nagpapa-picture naman. 

“Yung account na yun mismo pinuntahan ng mga fans, tatlong pictures ang mayroon na pinost niya, isa lang ang pinakita.

“May isa lang na nagsabi, basher, yung pictures pinalaki.

”Pero, siyempre, pag may ibang nakakita, isa lang ang picture e.

“Hindi nila alam maraming pictures ang nakunan.”

Paliwanag ng binata, nakatingin daw siya sa camera sa iba pang mga litrato.

“Sabi ko kay Tita Mariole, ‘Tita Mariole, di po ako ganun, ako pa.’

“Sabi, i-check daw yung account, kasi ako di ko alam eh, di ko alam kung ilan ang piniktyur niya e.

“Pinakita sa akin, nag-check ako, ‘O, tatlo nga yung pictures.’” 


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Enrique nung nakaraang Linggo, September 10, sa isang event ng Cheetos, ang corn snack na iniendorso nila ni Liza Soberano.

THE DANGERS OF SOCIAL MEDIA. Dahil sa panibagong intriga, nasabi ni Enrique na napakadelikado ng social media at kailangang mag-doble-ingat ang mga tulad niyang artista.

Pahayag ni Enrique, “Very, very dangerous ang social media.

“Talagang isang maling move mo lang, kahit tama ang picture, puwedeng i-edit.

“Kahit piniktyuran ka, di ka nakatingin, kunwari may tumawag sa iyo, may fan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I-caption lang nila ‘yun, it’s all about the caption from the picture, iba eh.

“I-edit ang caption, ang hirap."

Dagdag pa niya, “Ganun talaga ang buhay natin ngayon, wala tayong magagawa, mag-ingat na lang.

“Alam ko ang totoo, pero kahit alam mong di totoo, kahit papaano masakit pa rin sa damdamin.

“Kahit bina-brush away ko lang, still, may kaunti dito,” sabi ng aktor, sabay turo sa dibdib.

Kamakailan din ay na-bash sila ni Liza—na ka-loveteam niya sa screen at sa totoong buhay—dahil sa kumalat na video kung saan tila hinahalikan niya ang dalaga sa loob ng isang bus sa Japan.

Nagpunta ang dalawa sa Japan bilang newest tourism ambassadors ng Pilipinas.

Naparatangan tuloy na PDA, aka public display of affection, ang magka-loveteam.

Paliwanag ng aktor, “Sa anggulo kasi ni Mama Ogie [Diaz] yun.

“Umaga naman kasi.

“Kakakita lang namin, so good morning kiss lang naman, di naman sa lips, dito lang naman, malayo.

“PDA? Di ganun, siyempre, respeto din,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN