Enrique Gil assures fans that love team with Liza Soberano is going strong

IMAGE Noel Orsal

Despite their busy schedule due to their respective showbiz commitments, Enrique Gil says he and Liza Soberano make sure to find time for each other.


Dahil sa hiwalay na mga proyekto nina Enrique Gil at Liza Soberano, marami sa LizQuen fans ang nag-aalalang baka buwagin na ang tambalan ng dalawa.

Si Enrique ay abala ngayon sa shooting ng pelikulang Seven Sundays, kasama sina Aga Muhlach at Dingdong Dantes.

Habang si Liza ay naghahanda na para sa kanyang pagganap bilang Pinay superhero na si Darna sa pelikulang ididirek ni Erik Matti.

Sa kabila nito, tiniyak ni Enrique na malabong buwagin ang kanilang tambalan ni Liza.

“Mahabang proseso yun, ganun talaga, may plano talaga sila.

“Yun ang mapo-promise ko lang, di bubuwagin,” sabi ng 25-year-old Kapamilya actor.

Bagamat may kani-kanila silang commitments ngayon, hindi naman daw malayong mangyaring magsama sila ulit sa isang project.

Pahayag ni Enrique, “Oo, nung sinabi sa akin... pero nung nakita ko naman yung offer, maganda, hindi lang sa akin kung di sa team.

“Sa fans, pag narinig nila, baka ma-sad sila.

"Pero huwag silang mag-alala, mas maganda ang plano nila para sa aming dalawa.

“Basta okay ‘yan, pag lumabas, maiintindihan nila ang sinasabi ko.

“Wala silang sinabi na bubuwagin. After ng ano, magsasama uli. 

“Abangan nila, hindi ko masabi, basta pag palapit na.”

Kinumpirma rin ni Enrique na sila muli ng 19-year-old actress ang magka-date sa Star Magic Ball, na gaganapin sa September 30.

Aniya, “Siyempre mahirap pumunta mag-isa.

“Pag di ko siya kasama, di magiging masya ang ball para sa akin.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Enrique sa isang event ng cornmeal snack na Cheetos, noong Linggo, September 10. 

DATE NIGHTS. Sinabi rin ni Enrique na kahit pareho silang busy ni Liza, lagi silang naghahanap ng oras para sa isa’t isa.

“We’re really good ngayon.

“Hindi kami nagsasama masyado, kasi I’m busy in shooting, siya naman getting ready for Darna.

“Nagwo-workout din siya. Ang dami niyang ginagawa, may mga air dance pa siya, may jogging sa umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkikita kami pag wala akong shooting…

“Kahit three or four times a week magkikita kami.”

Dagdadg pa ni Enrique, “Last night, nagkita kami mga 10 P.M., kasama niya ang family niya.

“We watched a movie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN