Ryza Cenon lashes out at netizen accusing her of hurting child co-actor

Ryza Cenon reminds haters, "Magalit na kayo, isumpa ako at sabihin mamatay na ko. Ok lang sakin pero wag nyong idadamay mahal ko sa buhay. Aawayin ko kayo."


Hindi pinalagpas ni Ryza Cenon ang hate message ng isang netizen na umaakusa sa kanyang sinasaktan niya ang kasamang child actress sa Ika-6 na Utos.

Sabi ng Twitter user na si @dorots122490: “@iamryzacenon Bakit mo tinototohanan yung pagsaktan mo sa kasama mong bata sa Ika-6 Na Utos?!

"Alam mo ba yung epekto sa bata pagkatapos noon?! O sadyang napakabobo mo?! Alam mo bang mapapatay ka ng nanay ng bata sa ginawa mo?!”

May pagbabanta pa ito kay Ryza: “Eh kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ng bata, magugustuhan mo ba?!

“O di kaya, papatayin namin yung mga magulang mo, yung mga kapatid mo, o di kaya yung boyfriend mong si @pocholobarretto?!

“Mamili ka ngayon sino sa kanila ang uunahin!”

Mainit na sinagot ito ni Ryza sa magkakasunod na Twitter posts kaninang madaling-araw, September 13.

Aniya, “Ang gusto kong maunang patayin mo yung utak mong makitid. Pano mo alam na totoo ko syang sinasaktan? Nasa taping ka ba namin?

Siniguro ng Kapuso actress na hindi niya sinaktan ang batang co-star dahil, “Kaharap ko mommy nya ginagawa ko yun.

“Wag kang tanga dahil una sa lahat sino tao gustong saktan ang bata? At wag mong dadamay pamilya ko.”

Ang tinutukoy na bata sa Ika-6 na Utos ay si Angelica Ulip, na gumaganap bilang Sydney, na madalas sinasaktan ng karakter ni Ryza na si Georgia.

Isang mahusay na aktres, laging epektibo si Ryza sa anumang role, kasama na ang mga all-out kontrabida characters.

Kaya sanay na itong makatanggap ng hate messages, lalo na mula noong gumanap siya bilang kontrabida sa afternoon drama ng GMA Network.

Madalas ay hindi na niya pinapansin ang mga ito.


Stories We Are Tracking

Ryza Cenon admits getting anxious over viral threats
Ryza Cenon admits getting anxious over viral threats
Ryza Cenon reacts to viewer who cursed and called her p*kp*k
Ryza Cenon reacts to viewer who cursed and called her p*kp*k

Ngunit nakuha ng partikular na mensahe ng netizen ang atensiyon ni Ryza dahil sa pagbanggit sa kanyang mga kamag-anak at sa boyfriend nitong si Cholo Barretto.

Kaya naman sabi ni Ryza sa netizen-basher: “Lahat ng hate messages nyo sakin tinatanggap ko pero wag nyo g sasama mahal ko sa buhay. Gusto pa track kita? Saka mo sabihin yan sa harap ko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi mo alam nangyayari sa trabaho namin itikop mo yung makitid mong utak. Think before you click. Stupid!”

Diin pa ni Ryza: “Lahat ng sinabi mo lht yan naramdaman ko. Dahil Battered child ako noon and patay na rin mommy ko. Hindi mo ko pwdng lecturan. Dahil alam ko.”

Samantala, isa pang Twitter user ang pinatulan ni Ryza dahil sa komento nito sa larawan nila ng boyfriend niyang si Cholo Barretto.

Mapangutyang tanong ng Twitter user na si @chikkaKim kay Ryza: “Bakit puro kabit role mo sa palabas? Naging Kabit kaba sa totoong buhay? Damang dama mo Kasi eh at medyo nahahalata.”

Sarkastikong sinagot ito ni Ryza: “Hindi magaling lang talaga ko kaya damang dama mo rin pagiging basher ko thanks besh ha. Nakakarelate ka ba? Georgia ka siguro.”

Sa huli, nagbigay ng mensahe ang Ika-6 na Utos actress sa mga taong galit sa kanya dahil sa kanyang role na ginagampanan.

Sabi ng character actress: “To all haters, magalit na kayo, isumpa ako at sabihin mamatay na ko. Ok lang sakin pero wag nyong idadamay mahal ko sa buhay. Aawayin ko kayo.”

Para naman sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya: “Thank you sa lahat ng nagmamahal sakin. Love you all !”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN