Rep. Vilma Santos against P1,000 budget for Commission on Human Rights

IMAGE Allan Sancon

Luis Manzano clarifies mom Lipa City Representative Vilma Santos is not among the 119 house representatives that approved the proposed P1,000 budget to Commission on Human Rights for 2018. 


Sa pamamagitan ng kanyang anak na si Luiz Manzano, nilinaw ni Lipa City Representative Vilma Santos-Recto na tutol siya sa panukalang P1,000 budget ng Commission on Human Rights (CHR) para sa 2018.

Ito ay matapos kumalat sa social media na isa raw si Vilma sa 119 mambabatas na pumabor sa panukalang budget ng CHR, kontra sa 32 na sumalungat dito.

Inaprubahan ng House of Representatives ang panukalang ito kahapon, September 12.

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa budget ng CHR dahil kapag tuluyan itong naaprubahan, nangangahulugang mawawalang na ng silbi ang ahensiyang nangangalaga sa karapatang pantao.

LUIS DEFENDS MOM. Gamit ang kanyang sariling Twitter account, ibinahagi ni Luis ang panig ng ina tungkol sa isyu.

Kontra raw ang Star For All Seasons sa panukalang budget na P1,000 sa CHR, pero hindi ito nakaboto kahapon, September 12, dahil nagkasakit ang actress-politician.

Unang tweet ni Luis: “First, my mom is against the 1k budget of the CHR.

"Second, she wasn't able to vote since she was about to be confined and was/is under meds."

Ibinahagi rin ni Luis ang text message ng ina na nagpapahayag ng pagtutol nito sa panukalang budget ng CHR.

Mensahe ni Vilma: “Am against cutting the budget of the CHR. They have a duty to perform as mandated by the constitution.

"With so much crimes/EJK – they need more resources to these investigations.

"Ito ang isang Ahensya na tumutulong sa karapatang pang tao!!”

Ipinaliwanag din ni Vilma kung bakit hindi siya nakadalo sa session kahapon.

Aiya, “i wasn’t able to attend yesterdays session cause i had a n ulcers [sic] attack. Am under medication. But will work today!!!”

 

FAKE ACCOUNT. Nagsimulang mabatikos si Vilma nang magtanong ang ilang netizens sa Twitter account na @vilmaSRecto kung pumabor ba ang actress-politician sa panukalang P1,000 budget para Commission on Human Rights.

Sagot ni @vilmaSRecto: “this is confidential its against the law to divulge what we vote.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa namang netizen ang nagkomento na wala ang pangalan ni Vilma sa inilabas na listahan ng mga mambabatas na di pumabor sa panukala, kung kaya’t ibig sabihin ay pumabor ito.

Sagot ni @vilmaSRecto, “ur right.” 

Dito na inulan ng batikos ang Star For All Seasons.

Ngunit nilinaw ni Luis na fake ang Twitter account na nagtataglay ng pangalan ng kanyang ina.

Sabi niya sa kanyang tweet: "My mom has clarified that she is not using this account nor anyone from her team."

Samantala, isusumite sa Senado ang panukalang P1,000 budget ng CHR para sa deliberasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN