Luis Manzano defends John Lloyd Cruz over viral videos: "Ano ang ginagawa niyang masama?"

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano on viral videos of his friend John Lloyd Cruz: "Kung ako, personally, I would rather na hindi lumabas. Pero the point is, buhay niya iyon. Ano ang ginagawa niyang masama? Totoo naman, ano ang ginagawa niyang masama? Wala naman, he was just enjoying himself, di ba? Nakikita ba natin na may ginagawa siyang droga, di ba?"


Nagbigay ng reaksiyon si Luis Manzano tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ngayon ng kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.

May kinalaman ito sa pinagpipiyestahang viral videos ni John Lloyd, na kuha mula sa bakasyon nila ni Ellen Adarna at ilang mga kaibigan sa Bantayan Island, Cebu.  

Dito ay mapapanood ang 34-year-old actor habang kumakanta, sumasayaw, at kung anu-ano pa ang mga ginagawa na tila lasing o nakainom.

Ayon kay Luis, napanood niya ang mga video na ito ni John Lloyd.

Pahayag niya tungkol dito, “Ang sa akin naman, wala namang nakitang technically masama sa ginawa ni Lloydie.

“Kung ako, personally, I would rather na hindi lumabas.

“Pero the point is, buhay niya iyon. Ano ang ginagawa niyang masama?

“Totoo naman, ano ang ginagawa niyang masama?

“Wala naman, he was just enjoying himself, di ba?

“Nakikita ba natin na may ginagawa siyang droga, di ba?”


Stories We Are Tracking

Source shuts down ugly talk about John Lloyd Cruz videos
Source shuts down ugly talk about John Lloyd Cruz videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
Johnny Manahan defends John Lloyd Cruz over viral videos
Johnny Manahan defends John Lloyd Cruz over viral videos
John Lloyd on viral videos:
John Lloyd on viral videos: "I've learned so much from this."

ROLE MODEL. May mga nagkokomentong dapat daw ay maging role model si John Lloyd, lalo pa nga’t sa isang video ay nag-dirty finger siya.

“That I would understand,” sambit ni Luis.

“Kaya nga siguro… that’s why he apologized.

“Siguro Lloydie also apologized that he has followers na mga bata, na it may seem a bad example. I would understand.

“Pero aminin niyo naman, ano ba iyong sobrang sama na ginawa ni Lloydie?

“Yung bad finger… ano yung alam niyo na ginagawa ng ibang artista na mas masama pa?

“Nagkataon lang. I’m not justifying.

“I mean, he will always have his fans and his followers na looking up to him.

“Nagkataon kasi he has this image na John Lloyd Cruz na very wholesome.

“Sila ni Bea [Alonzo], sila ni Sarah [Geronimo]. May Home Sweetie Home pa,” pagtukoy ni Luis sa mga nakapareha at sitcom ni John Lloyd.

“And I understand the sentiments of some people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But at the end of the day, ano ba ang ginawang masama talaga ni John Lloyd Cruz?”

Nababasa rin daw ni Luis daw ang iba’t ibang komento ng netizens sa social media tungkol sa mga video ni John Lloyd.

“Yung iba namang tao, I understand, nakikita ko yung ibang comments, e.

“Some are truly concerned, and those are the people that we should truly appreciate.

“And there are some naman na gusto lang sumakay sa isyu,” sabi ng 36-year-old TV host-actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa set ng bagong ABS-CBN game show na hinu-host niya, ang I Can See Your Voice, nitong Martes, September 12, sa ABS-CBN Studio.

Magsisimulang umere ang naturang show ni Luis sa darating na Sabado at Linggo ng gabi, September 16 at 17.

HAVING FAITH IN JOHN LLOYD. Sinubukan ba ni Luis na mag-reach out kay John Lloyd pagkatapos lumabas ang controversial videos nito?

Tugon niya, “Hindi. Si Lloydie kasi… introvert iyang si Lloydie.

“He is one of those people I have faith in his decisions.

“I have faith kung paano niya i-handle yung buhay niya, yung career niya.

“So, ayoko nang makialam pa.

“Kasi I’m sure ang dami nang nag-i-input sa kanya, e.

“So, kumbaga, it’s more of I trust Lloydie."

Dagdag pa niya, “Naghalikan nga kami, hindi ko ba pagkakatiwalaan yun?”

Ang tinutukoy ni Luis na naghalikan sila ni John Lloyd ay nangyari sa 2009 movie na In My Life, kung saan gumanap sila bilang lovers.

Nakasama rin nila sa pelikula ang ina ni Luis na si Vilma Santos.

Sa tingin ba ni Luis ay makakaapekto kay John Lloyd ang paglabas ng mga video na ito?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

“Because I think such a simple video cannot define John Lloyd Cruz as a man and as an actor.

“Yung iba naghahanap ng mali, yung iba diyan sumasakay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo ang ibang bashers diyan, 99 percent ng bashers maghahanap ng mali sa ibang tao to feel better about themselves.

“So, naghahanap sila, they scour social media, they scour your write-ups.

“Pag may nahanap silang mali, ‘Ay, sasakyan ko ito. Iba-bash ko ito,’ to feel better about their failures.

“Yun lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN