Chanel Morales reveals secret of strong relationship with Carl Guevara

IMAGE Noel Orsal

Chanel Morales is happy that her relationship with Carl Guevara is going smoothly and her showbiz career is taking off.

 


Dalawang taon na ang relasyon nina Chanel Morales at Carl Guevara.

Ayon kay Chanel, going strong ang relasyon nila.

“Siguro yung ano, in terms of communication, nag-uusap kami halos every day.

"Tsine-check namin yung isa’t isa kung ano ang ginagawa, ganun.

“Tapos hinahayaan namin ang isa’t-isa kung ano ang mga ginagawa...

"Hinahayaan namin kanya-kanyang work or anuman, nagsu-support kami.  

“Kunyari, may project yung isa, hindi kami nagku-compete.

"Sinu-support niya ako at tinutulungan niya ako.

"Minsan sinasamahan niya ako kapag kaya niya,” paglalarawan ni Chanel sa relasyon nila ng aktor.

Anong klaseng boyfriend si Carl?

Tugon ng dating TV5 artist, “Kapag kasama ko siya, mas comfortable ako as Chanel.

"Hindi ko kailangan magpa-impress, mag-pretend or what.

“I grew up sa Bacolod, hindi naman ako lumaki sa isang showbiz family.

"So, as much as possible, ayokong ma-involve yung showbiz [sa relasyon] namin.

“But then, hindi naman namin maiwasan, kasi both kami nasa showbiz.

"So, as much as possible, gumagawa kami ng ways na iba naman sa trabaho namin.

“Minsan naglalaro kami sa Timezone or whatsoever.

"Gusto naman namin ma-experience na iba naman yung life behind the camera.”

Hindi naman ipinagkakaila ni Chanel na minsan ay nagkakatampuhan sila, pero hindi naman ito humahantong sa away.

Inamin din ng dalaga na siya ang seloso sa kanilang relasyon.

“Ako. Siya, siguro before na-involve sa mga girls sa showbiz.

"E, ako talaga sa Bacolod, bawal ako mag-boyfriend.

"Ngayon lang ako medyo naging open sa mga ano.

"Dito na ako sa Manila naging open.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chanel sa grand presscon ng pelikulang The Debutantes, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, Martes ng gabi, September 12.

Isa si Chanel sa mga bida ng nasabing pelikula ng Regal Entertainment; kasama sina Sue Ramirez, Jane de Leon, Michelle Vito, at Miles Ocampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila ang mga tinaguriang "Regal Millennial Babies."


FIRST MOVIE. Masayang-masaya si Chanel na kasama siya sa horror-flick na The Debutantes.

Ito ang kanyang first movie simula nang ma-discover siya sa Artista Academy ng TV5.

Kuwento niya, nag-training daw talaga siya sa kanyang role bilang si Shayne dahil isa itong competitive swimmer.

Kamusta katrabahao ang apat na Star Magic artists na kasama niya?

Tugon ni Chanel, “Kahit ako nagulat lang din ako na out from all of them, ako lang ang ALV (Talents Management).

“So masaya naman kasi dun sa set, nag-uusap naman kami.

"Hindi sila yung parang nagku-compete sa isa’t-isa, masaya lang lahat.

"Ginagawa kung ano yung trabaho nila at kung ano yung karakter nila.”

Ang The Debutantes ay istorya ng isang dalaga na si Kate (Sue) na walang kaibigan at weirdo.

Gusto niyang maging malapit sa mga kaklaseng sina Lara (Miles), Jenny (Jane), Candice (Michelle), at Shayne (Chanel).

Magkakaroon ng kahindik-hindik na mangyayari sa bawat isa pagsapit ng kanilang mga debut.

Ipapalabas ang pelikula sa darating na October 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN