Kim Domingo soon to bid goodbye to her sexy image?

IMAGE Noel Orsal

"Gusto ko nang makatawid sa pagiging aktres kasi yun ang goal ko—maging aktres ako at tumagal pa ako sa industriya," says Kim Domingo about being part of GMA Network's newest fantasy series Super Ma'am.


Umaasa si Kim Domingo na sa bagong proyektong kinabibilangan niya, ang Kapuso primetime series na Super Ma'am, makikilala na hindi lamang siya sexy star kundi isang aktres.

Pahayag niya, “Iba 'to sa mga nagawa ko before.

"Before, ang focus kasi madalas ay yung pa-sexy side ko.

“Ito, yung character ko mismo, ang pagiging palaban.

“Pati costume ko, hindi na rin ganun ka-sexy, kasi nga, siyempre pambata.

“Natutuwa rin ako kasi parang mas maa-appreciate na ako ng mga tao.

"Pambata na kasi, before, talagang may mga nagrereklamo, marami akong nababasa.

"'Ay, hindi ka magandang ehemplo sa kabataan, kasi ito palagi ang role mo.'"

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang 22-year-old Kapuso actress sa press conference ng Super Ma'am noong Lunes, September 11.

CROSSING THE LINE. Ngayong unti-unti na niyang iiwanan ang pagpapa-sexy, matutupad na raw ang pangarap ni Kim na mapansin ang kanyang pag-arte.

Sabi niya, "Gusto ko nang makatawid, e, ang dami ko na rin naman pong naipakita.

“Parang para po sa akin, tama na po iyon, hanggang dun na lang siguro.

“Gusto ko nang makatawid sa pagiging aktres, kasi yun ang goal ko.

"Maging aktres ako at tumagal pa ako sa industriya.”

Nilinaw ni Kim na wala naman siyang problema sa mga ginawa niyang pagpapa-sexy noon.

Nagkataon lang daw na iba na ang gusto niyang maging takbo ng kanyang showbiz career.

Sabi ng Bubble Gang mainstay, “Actually, pagdating naman sa trabaho, wala akong reklamo.

"Kasi yung GMA, nag-usap na rin kami.

“Okay, ito na yung bawas-bawasan na yung dati.

“Kahit sa mga sinusuot kong damit, kung dati sobrang revealing, hindi na rin.

“May mga ganun akong changes, hanggang sa unti-unti, makilala na akong Kim Domingo.

"'Ay, ano na siya, ganito na siya. Tapos na siya sa pagpapa-sexy.'

"Kasi yun ang gusto ko talaga, drama talaga.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

NO MORE SEXY IMAGE? Isang reporter ang nagsabi kay Kim na parang ang bata pa niya para tuluyang iwan ang imahe kung saan siya unang nakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya rito, “Naniniwala naman ako sa sarili ko na kaya kong umarte, kaya kong pag-aralan yung pag-arte.

“So, I think, kung kaya naman, why not? Kung kaya namang makatawid doon.”

Para sa mga naging fan ni Kim as “Asia's Fantasy,” huwag mag-alala.

Patuloy pa rin naman daw ang kanyang pagpapa-sexy sa longtime gag show na Bubble Gang.

“Kasi mayroon akong segment na 'Patikim ni Kim.'

“Pero yun nga, yung mga damit na sinusuot ko, medyo unti... hindi na katulad ng dati na sobrang halos, alam mo yun, parang naka-bra na lang ako.”

Ngayon, determinado si Kim na makilala siya sa pagiging aktres at hindi pagpapa-sexy lang.

“Actually, puwede naman siya.

"Kaso ngayon, ang tumatak talaga sa mga tao ay Kim Domingo na pa-sexy lang.

"Parang ang alam ng ibang tao, hanggang dun na lang," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN