Sue Ramirez admits close relationship with Joao Constancia

IMAGE Noel Orsal

Sue Ramirez is coy about Joao Constancia. Is the singer courting her? She replies, "Tanungin niyo po siya…Hindi ko po masabi, basta sa ngayon, masaya kaming lumalabas."


Totoo nga ba ang balitang nababaliw sa pag-ibig ngayon ang Kapamilya talent na si Sue Ramirez?

“Huh! Grabe naman!” nakanut-noong reaksyon ng 21-year-old actress.

“Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA [over acting] naman nung nabaliw sa pag-ibig.”

Balita kasing nagkakamabutihan sila ng BoybandPH member na si Joao Constancia.

Halos mamilipit si Sue sa pag-iwas pag-usapan ang kanyang personal life.

Aniya, “Huwag muna, ang daming project, e. Pero happy ako. 

“Basta, yun ang masasabi ko sa ngayon… hindi po siya pinakamalaking concern sa ngayon.” 

Hindi naman itinanggi ni Sue na nagkikita sila ni Joao.

“Opo, we’re seeing each other, lumalabas po kami.

“Pero no pressure, kalma lang, alam naman namin yung priorities namin pareho.”

Nanliligaw ba sa kanya ang 20-year-old singer?

"Tanungin niyo po siya, yun po ang dapat na itanong sa kanya," sagot ni Sue.

Wala raw idea si Sue kung hanggang saan aabot ang pagiging malapit nila ni Joao sa isa’t isa.

“Hindi ko po masabi, basta sa ngayon, masaya kaming lumalabas.

“Mabait siya, caring… very purisigido siya sa mga ginagawa niya.”

At

A post shared by Joao Micael V. Constancia (@boyband_joao) on

Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Sue sa presscon ng pelikulang The Debutantes, na ginanap sa Valencia Events Place, sa San Juan City, noong Martes, September 12.

Kasama niya bilang mga bida sa pelikula sina Miles Ocampo, Chanel Morales, Jane de Leon, at Michelle Vito.

MEET THE FAMILY. Tiniyak din ni Sue na hindi makakaapekto sa kanyang career ang pagkakaroon ng love life, kung sakali.

Sabi niya, “Nababalanse naman po yun, saka alam niya yung priorities ko and everything.

“Wala pa po kami sa level na… wala, we’re just enjoying each other’s company when we go out."

Diin ni Sue, “Ito lang po ang masasabi ko sa ngayon, wala po kaming pressure-an.

“Wala po kaming hinihingi sa isa’t isa. Yung give ang take namin, hindi ito forced.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, happy lang.”

Pero inamin ni Sue na nakilala na nila ni Joao ang pamilya ng isa't isa. 

Naka-base sa Macau ang pamilya ni Joao at, ayon kay Sue, “Umuwi po sila dito, okey naman po.

“Mabait yung family niya, okey naman yung family ko with him. 

“Yung pakikitungo ko na tao lang, tinanggap din naman po bilang tao.”

Dugtong pa niya, “Siya lang po yung po yung naglakas ng loob na humarap sa family ko.”

Ganunpaman, sa darating na Star Magic Ball ay hindi raw sila ni Joao ang magka-date.

Solo lang daw si Sue na a-attend ng event ng talent arm ng ABS-CBN.

“I’m walking the red carpet wearing my very Francis Libiran gown, and very excited for everyone to see,” pagmamalaki niya.

Ayaw niyang i-escort siya ni Jao?

Paliwanag ni Sue, “Wala lang, hindi po necessary maging magka-date sa Ball. 

“Hindi naman siya big deal, maybe we will be seeing each other inside, we will be talking.

“It’s a place and event to socialize with everybody, not just go out with just one person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN