KZ Tandingan lectures basher calling her fashion style "trying hard"

IMAGE Instagram photo of KZ Tandingan

"Never allow other people to tell you who you are, who you should be, what you should look like," says KZ Tandingan after being bashed because of her fashion style.


Hindi nagustuhan ng singer na si KZ Tandingan ang komento ng isang netizen tungkol sa kanyang fashion style.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, makikita ang androgynous look ni KZ.

Isang netizen ang pumuna at sinabing “trying hard na ang aura” at “wala na sa lugar” ang fashion style ng singer.

A post shared by KZ (@kztandingan) on

Sabi ng Instagram user na si @changmemz84, “Na over na besh wa nay angay mukhang trying hard na ang aura besh di ka foreigner kaya wag kang pa feeling try to look simple and natural @kztandingan.”

Sinabihan pa niya si KZ na gayahin ang pananamit ng kapwa nito singers, tulad nina Sarah Geronimo, Angeline Quinto, at Klarisse de Guzman.

Aniya, “Na over naman gud iyang fashion wala na sa lugar besh para na syang scarecrow sa palayan..tingnan mo sila Sarah G. Angeline at Klarisse simple lang natural diba? Eh si Taylor Swift hindi nga over sa mga blingaru.”



Isang mahabang mensahe ang sinagot sa kanya ni KZ.

Simula ng singer: “Hi ate. I appreciate your concern na gusto ka simple rako.

"But unfortunately, im a maximalist pagabot sa pag style sa sarili ko as a performer and as a singer.”

Patuloy ni KZ: “Don't tell me to be like ms Sarah G, ms Angeline or Klarisse, because i wanna be myself.

“And being myself is expressing what i feel, in my music and in my style.

“Id understand if im not the artist na gusto mo, but stop telling people who they should be, what they should look like.

“Coz i'm not telling you to change your profile picture because the color of your dark lipstick doesnt suit you.”

Sa huling bahagi ng kanyang sagot, sinabi ng singer sa netizen-basher, “I just wish your children dont get treated the way you treat other people.”

Sinabihan niya rin itong mag-unfollow na sa kanyang social media account o iba-block at ire-report na lamang niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Btw, dont call my supporters Kunatay, whatever that means, because you have no right. Please unfollow me or ill block and report your account. Good day!”


Ibinahagi ni KZ ang screenshot ng komento ng netizen-basher at ang sagot niya rito sa kanyang Twitter account.

Sa parehong post ay pinaalalahanan niya ang kanyang followers: "N.E.V.E.R ALLOW OTHER PEOPLE TO TELL YOU WHO YOU ARE, WHO YOU SHOULD BE, WHAT YOU SHOULD LOOK LIKE."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN