Senator Tito Sotto and nephew Councilor Vico Sotto on opposite sides of the P1000 CHR budget

IMAGE Noel Orsal / Vico Sotto Instagram

Vico Sotto reacts to Congress's decision to cut 2018 budget of Commission on Human Rights to only P1,000: "MGA CONGRESSMEN KAYO EH ANO BA ANG GUSTO NYONG MANGYARI SA BANSA NATIN."


Magkaiba ang opinyon ni Senador Tito Sotto at ng kanyang pamangkin na si Pasig City Councilor Vico Sotto kaugnay ng panukalang P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) para sa 2018.

Noong Martes, September 12, ipinasa ng House of Representatives ang panukalang ibaba sa P1,000 ang budget ng CHR, mula sa P678 million.

119 na mambabatas ang bumoto para rito, 32 ang tumutol, at ang iba ay abstain.

Pagkatapos maipasa sa Kongreso ang panukalang ito, ang Senado naman ang magdidiskusyon tungkol dito.

Ngunit ngayon pa lang ay nagpahiwatig na si Senator Tito Sotto na pabor siya sa pagbabawas ng budget ng CHR.

Sa panayam sa kanya ng Senate reporters kahapon, September 13, sinabi ni Sotto na ang pagbabawas ng budget ng CHR ay dulot ng matinding pagtutol ni CHR Chairman Chito Gascon sa anti-drug war ng administrasyong Duterte.

Aniya, “Ang kasabihan goes: If you work for an institution or you're with an institution, speak well of it.

"Otherwise, resign then, damn it. Ganun dapat."

Diin pa ni Sotto, “Stop hitting the war on drugs. Go for the incidents.

"Huwag mong bintangan yung umbrella ng presidente dahil policy ng presidente yun, e.

"Kung gusto mo, mag-presidente ka, e, palitan mo yung policy."

Patutsada pa niya kay Gascon, "Ako nga, ang simple lang ng sinasabi ko, kasi naman dapat naman kasi, kung ikaw nagtratrabaho ka sa isang government, hindi mo gusto yung mga polisiya nung namumuno, e, di umalis ka, at saka mo siya pintasan.

"Siguro naman dapat mag isip-isip na si Chairman na siya ang nagiging balakid dun sa entire commission."


Stories We Are Tracking

Vilma against P1,000 budget for Commission on Human Rights
Vilma against P1,000 budget for Commission on Human Rights
How celebrity solons voted on CHR budget for 2018
How celebrity solons voted on CHR budget for 2018

VICO SOTTO. Salungat naman ang opinyon ng senador sa pananaw ng kanyang sariling pamangkin na si Vico Sotto.

Si Vico ay anak ng bunsong kapatid ni Tito na si Vic Sotto sa aktres na si Coney Reyes.

Sa kanyang Twitter account, inihayag ni Vico ang kanyang pagkadismaya sa mga mambabatas na bumoto para sa pag-apuba ng P1,000 budget ng CHR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, maaaring maraming hindi nakakaalam sa tungkulin ng CHR, ngunit walang excuse ang mga representatives ng Lower House.

Pahayag ni Vico, “I think most people don't understand the value of the CHR... PERO MGA CONGRESSMEN KAYO EH ANO BA ANG GUSTO NYONG MANGYARI SA BANSA NATIN”

Ang tweet na ito ni Vico ay ni-repost ng ina niyang si Coney.

Sinagot din ng konsehal ang isang netizen na nagtanong kung pro-CHR siya.

Sabi ni Vico, “I'm not sure what 'pro chr' means, but it is a body that is mandated by the Constitution.”

Kalakip ng post niyang ito ang screenshot ng listahan ng mga tungkulin ng CHR.

Kung sakaling tuluyang aprubahan ng Senado at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang budget, nangako si Vico na magbibigay siya ng bahagi ng kanyang suweldo bilang konsehal sa CHR.

Aniya, “In case this becomes a reality for 2018, I will donate a fixed % of my monthly salary to the CHR (assuming it's legal for me to do so).”

Samantala, positibo naman ang naging reaksiyon ng ilang followers ni Vico sa kanyang sinabi:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN