Enchong Dee calls politicians "useless" after Congress approves P1000 budget for CHR

IMAGE Noel Orsal

Enchong Dee took to Twitter to express his dismay at lawmakers who voted to give the Commission on Human Rights a P1000-budget for the whole of 2018.


Dismayado ang aktor na si Enchong Dee sa pag-apruba ng House of Representatives sa panukalang bigyan ng P1,000 budget ang Commission on Human Rights (CHR) sa taong 2018.

Nanaig ang boto ng 119 na mambabatas laban sa 32, para sa proposed CHR budget na P1,000 mula sa dating 649.484-million.

Idinaan ni Enchong sa Twitter ang pagkadismaya niya sa pagpasa ng nasabing panukala.

Noong Martes, September 12, nag-tweet ang 28-year-old actor na ipagpapatuloy niya ang malasakit sa bansa kahit wala siyang posisyon sa gobyerno.

Tinawag din niyang “useless” ang mga pulitiko.

“I will continue to love my country despite of this government.

“I will continue to be of service to my countrymen despite having no position in government.

“I will continue to uplift Filipino dignity because politicians are useless.”

May hashtag din itong "#AkoLangTo," na nangangahulugang opinyon ito ng aktor.

Kasunod nito ay nag-tweet din si Enchong na nawawalan na siya ng ganang magpahayag ng saloobin laban sa gobyerno dahil wala ring nangyayari.

Subalit sa comments section, marami sa followers ang nakiusap kay Enchong na ipagpatuloy ang pagbibigay ng boses sa mga hindi pumapabor sa kasalukuyang administrasyon.


“SMALL MINDED.” Samantala, ngayong Huwebes, September 14, ibinahagi ni Enchong sa Twitter ang mensahe sa kanya ng isang netizen.

Sinabihan siya ng netizen na umalis ng bansa kung hindi ito nasisiyahan sa pamamalakad ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Inungkat din ng netizen ang pagsuporta ni Enchong kay Vice President Leni Robredo.

Kabuuan ng mensahe ng netizen: “Pede ka naman po umalis ng pinas kung di mo nakikita yung magandang gngawa ng gobyerno ngayon. porket mei utang na loob ka sa mga robredo. Hmmm..dont us.”

Bilang sagot, tinawag ni Enchong na “small minded” ang netizen.

Kahapon, Miyerkules, September 13, ni-retweet naman ng A Love To Last actor ang larawan ng mga mambabatas na pumabor sa isang-libong pisong CHR budget.

Caption dito ni Echong: "Philippine Politicians should be given Best actor and Best Actress awards."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Enchong, nag-tweet din ng pagkontra sa proposed P1,000 CHR budget sina Bianca Gonzalez, Dingdong Dantes, at ang batang pulitikong si Vico Sotto.


Stories We Are Tracking

How celebrity solons voted on CHR budget for 2018
How celebrity solons voted on CHR budget for 2018
Sen. Tito Sotto, nephew differ on P1000 CHR budget
Sen. Tito Sotto, nephew differ on P1000 CHR budget

Magpapatuloy sa Senado ang diskusyon tungkol sa panukalang P1,000 budget para sa Commission on Human Rights.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN