Sunshine Cruz wishes estranged husband Cesar Montano would exert effort for their daughters

IMAGE Noel Orsal

Masayang-masaya raw si Sunshine Cruz sa kanyang buhay bilang isang ina, sa kanyang karera, at sa kanyang love life. Umaasa naman siyang mag-effort ang estranged husband na si Cesar Montano upang makasama nang mas madalas ang kanilang mga anak. 


Hiling ni Sunshine Cruz na mag-exert pa ng effort ang estranged husband niyang si Cesar Montano upang makapiling nang mas madalas ang kanilang tatlong anak na babae.

Paglilinaw ng Wildflower actress, hindi niya ipinagdadamot ang mga anak kay Cesar.

Saad niya, “Hindi naman nila hinahanap.

"Hindi sa nilalayo ko sila, puwedeng-puwede nila makita, tawagan, makasama yung ex ko anytime.

“But I just also hope that there will also be an effort from the father. Yun lang naman ang hiling ko.

"Sino ba naman ang nanay na ayaw na may relasyon ang tatay sa mga anak, di ba?"

Pahayag ng 40-year-old actress, “Basta sana maging maayos, kasi ano pa ba ang hihilingin ko ngayon? I am very happy. He is also happy.

“So, I just hope na magkaroon ng more effort lang pagdating sa mga anak namin.

"Tutal, legitimate naman yung mga anak namin at magagaling naman sa eskuwela, mababait na bata, yun lang."

Pagkatapos nito ay tumanggi nang magbigay ng pahayag si Sunshine tungkol kay Cesar dahil ongoing pa ang kanilang annulment case sa korte.

HAPPY WITH MACKY. Samantala, mag-iisang taon na ang relasyon ni Sunshine kay Macky Mathay III, ang half-brother ng aktres na si Ara Mina.

Ayon sa Kapamilya actress, “very blessed” siya sa piling ng nobyo.

“You know, tungkol sa personal life ko, I’ll be very honest, I am very happy now.

“It’s not perfect, but I’m very happy now.

"Very blessed na merong isang tao na hindi lang sa akin nagmamahal kundi sa mga anak ko, na tinatrato sila na parang mga anak din niya."

Nag-level up na ba sila pagdating sa kanilang relasyon?

Tugon ni Sunshine, “Hindi pa naman.

"Nasa stage kami na we’re just enjoying, and we support each other’s dreams and yung mga trabaho.

“Yun lang naman ang masarap, na merong isang tao na sumusuporta sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanggap ka, pati mga anak mo, tanggap yung nakaraan mo. So, very happy lang."

Tulad ni Sunshine ay may tatlo ring anak si Macky mula sa estranged wife na si Camille Fariñas.

Paano nila naayos ang kanilang relasyon sa kani-kanilang mga anak?

Saad ni Sunshine, “Wala kaming pinlano, nothing.

"When they first met their Tito Macky... kasi ano na sila sa text and sa Instagram, they’re friends already.

“So, wala kaming pinilit.

"Even yung kids ni Macky, kids ko, nag-jive lang talaga, hindi namin ini-expect.

"It’s really a surprise and it’s really beautiful, nakakatuwa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Sunshine sa contract signing nito bilang bagong alaga ng talent manager na si Arnold Vegafria.

Ginanap ang contract signing ngayong Huwebes, September 14, sa isang restaurant sa Quezon City.

Pahayag ni Sunshine tungkol sa kanyang pagpirma ng kontrata, “So, di ba, kaya parang… meron akong magandang teleserye, Wildflower

"And now I’m with ALV Talent Circuit, and I have endorsement very soon. It’s a big one and I’m very excited.

"Parang masayang-masaya lang ako ngayon. Wala na ako mahihiling pa for now."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN