Gabby Concepcion relates encounter with Korean stars Park Bo Gum and Park Bo Young

IMAGE Noel Orsal

Gabby Concepcion on winning an acting award for the first time after so many years: "Naninibago lang ako, kararating ko lang noong 2008, so feeling ko, parang nagsisimula lang ako ulit. Feeling ko, parang bagong artista lang ako. Nagpapakilala pa nga ako!"


Nakadaupang-palad ng Kapuso actor na si Gabby Concepcion ang ilang sikat na Korean stars nang dumalo siya sa 12th Seoul International Drama Awards, na ginanap sa South Korea, noong September 7.

Si Gabby ang isa sa pinarangalan ng Asia Star Award; kinilala siya para sa kanyang pagganap sa afternoon drama series na Ika-6 Na Utos.

Maliban sa kanya, nanalo rin ng Asia Star Award sina Debbie Goh (Malaysia), Hyunri (Japan), Satyadeep Misra (India), at Sukollawat Kanarot (Thailand).

Tumanggap din ng parangal noong gabing iyon ang sikat na Korean stars na sina Park Bo Gum at Park Bo Young.

Si Park Bo Gum ang itinanghal na Best Actor for Hallyu Drama para sa pagganap nito sa Love in the Moonlight, na ang Tagalized version ay ipinalabas kamakailan sa ABS-CBN.

Si Park Bo Young naman ang nanalong Best Actress for Hallyu Drama para sa Koreanovela na Strong Woman Do Bong Soon.

Nagkaroon daw ng after-party ang awards night, at doon nakasama ni Gabby ang iba pang artista mula sa iba’t ibang bansa, kasama na ang ilang Korean stars.

Ayon sa 52-year-old actor, “Nakausap ko dun sina Park Bo Gum…

“Marunong din silang mag-English, pero halata mong hindi yun ang kanilang [first language].

“Si Park Bo Young din. I think, dito ipalalabas yung kanyang Strong Woman.

“So, nag-uusap kami dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa inihandang presscon para sa kanya ng GMA Network, noong Martes, September 12, sa 17th floor ng GMA Network Center.

ACTING RECOGNITION. Ayon kay Gabby, nanibago siya nang muli siyang makatanggap ng acting award.

“Naninibago lang ako, kararating ko lang noong 2008, so feeling ko, parang nagsisimula lang ako ulit.

“Feeling ko, parang bagong artista lang ako. Nagpapakilala pa nga ako!” natatawang sabi niya.

Thirteen years nawala sa local showbiz si Gabby dahil nanirahan siya sa Amerika matapos masangkot sa 1994 Manila Film Festival scandal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Gabby ang co-stars niya sa Ika-6 Na Utos.

Aniya, “Hindi lang din naman ikaw ang mapupuna dun.

“I’m sure, napuna nila ang Ika-6 Na Utos, nagustuhan nila.

“Namili sila ng winner dun. E, magagaling silang lahat. 

“Mahirap mag-decide naman siguro at baka dalhin kaming lahat dun.”

Hindi raw niya inakalang magkakaroon siya ng international acting recognition nang tanggapin niya ang Ika-6 Na Utos.

Hindi rin daw niya inakalang aabutin na ng isang taon sa ere ang kanilang teleserye, at may balita pang posibleng ma-extend sila hanggang 2018.

“Wala, wala... akala ko nga it’s another series lang, one season,” sabi ni Gabby.

Nakahanda ba siya kung sakaling ma-extend sila hanggang sa susunod na taon?

Tugon niya, “Okey lang ako, anything goes, laban kung laban.

“Yun ang kagandahan nga, because this is a world of entertainment.

“May mga nae-entertain daw at meron namang hindi nae-entertain.

“Merong, ‘Gusto kong manood.’ Merong, ‘Ayokong manood nito, wala namang aral.’

“Sagot naman ng isa, dahil nga meron nang social media, sabi ng isa, ‘Kung gusto mo ng aral, manood ka ng National Geographic!’

“Kaya ako, nae-entertain din ako sa kanila.”

Nagtawanan naman ang entertainment press sa sagot ni Gabby nang tanungin ng PEP.ph kung nakaka-relate siya sa pinagdadaanan ng karakter niyang si Rome sa Ika-6 Na Utos.

Tinatalakay sa teleserye ang pagtataksil ng mister sa kanyang asawa.

“Sa totoo niyan, nahihirapan ako!” natatawa rin niyang sagot.

Sa totoong buhay, ilang babae rin kasi ang naugnay kay Gabby noong kabataan niya.

Saad pa ng aktor na nagkaroon ng second wind sa career, “Kasi ganito ‘yan, sa kakaunting nakakaalam… well, nag-umpisa ako, sabi kasi nila, o ang pagkakaintindi ko kasi, dapat nagpakasal ka.

“Hindi ka puwedeng ganun-ganun lang. Ang akin, after!

“Kaya lang, one after the other.

“So, pagdating sa sabay, wala naman akong sinasabay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang, one after the other nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN