Beverly Salviejo reacts to public outrage over CHR budget: "The CHR had been biased all along."

IMAGE Courtesy: Facebook of Beverly Salviejo

Ayon sa komedyanteng si Beverly Salviejo, matagal na raw biased ang Commission on Human Rights (CHR) dahil hindi diumano nito dinepensahan ang mga magsasakang namatay noon sa magkahiwalay na administrasyon ng mag-inang Cory at Noynoy Aquino. 


Taliwas ang pananaw ng comedienne-singer na si Beverly Salviejo sa ibang celebrities sa pag-apruba ng House of Representatives ng proposed 2018 budget na P1,000 para sa Commission on Human Rights (CHR).

Kung ang karamihan ng mga kasamahan niya sa showbiz ay nangondena sa pagboto ng maraming mambabatas sa pagkaltas ng pondo ng CHR—mula P648 million hanggang sa P1,000 na lamang—si Beverly ay hindi.

Sinabi nitong "biased" ang ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa karapatang pantao.

Sa kanyang Facebook post kahapon, September 13, inisa-isa ng komedyana, na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga pagkakataong hindi diumano naging makatao ang CHR.

Pinagtuunan ng pansin ni Beverly ang mga pagpatay sa mga magsasaka noong administrasyon nina yumaong Pangulong Cory Aquino at anak nitong si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Pahayag niya, “EXCUSE ME! But the CHR HAD BEEN BIASED ALL ALONG....

“IN THE PAST, THEY DID NOT SQUEAK A BIT WHEN THE FARMERS (i repeat, farmers) WERE MASSACRED IN THE RALLY AT MENDIOLA BY THE CORY ADMINISTRATION ....

“THEY DID NOT PROTEST WHEN THE FARMERS (again, farmers), WERE KILLED AND MASSACRED IN HACIENDA LUISITA....

“THEY DID NOT SHOUT AND RAISE THEIR VOICES WHEN IN KIDAPAWAN, THE HUNGRY FARMERS (yes, farmers again) MARCHED TO DEMAND FOR RICE BUT WERE MET WITH GUNFIRE WITH SOME KILLED, and WOMEN AND THE ELDERLY JAILED...

“ALL THESE DURING THE PAST AQUINO ADMINISTRATIONS...

“BUT NOW DURING PRRD's WATCH, THEY HOWL AND PROTEST WHEN CRIMINALS ARE KILLED IN POLICE OPERATIONS!!!!

“CRIMINALS HAVE MORE HUMAN RIGHTS THAN FARMERS???!!!!”

Hindi man direktang sinabi ni Beverly ang kanyang opinyon sa panukalang P1,000 budget para sa CHR, malinaw na pabor siya sa pag-apruba ng Kongreso rito.

Sa budget hearing ng House of Representatives noong Martes, September 12, pinaboran ng mababang kapulungan ng kongreso ang mosyong bigyan ng P1,000 budget ang CHR sa susunod na taon, sa botong 119-32.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinagalit ito ng maraming netizens at ilang celebrities na nagsabing parang binuwag na rin ng Kongreso ang CHR.


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto, nephew differ on P1000 CHR budget
Sen. Tito Sotto, nephew differ on P1000 CHR budget
How celebrity solons voted on CHR budget for 2018
How celebrity solons voted on CHR budget for 2018
Enchong Dee calls politicians
Enchong Dee calls politicians "useless" over CHR budget


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN