Meg Imperial takes time out from doing sexy roles

IMAGE Noel Orsal

"Okay ako na mag-light na lang muna para may variety, hindi puro bigat, kasi nakaka-stress din," says Meg Imperial about her new TV project, GMA-7's new primetime series, Super Ma'am.


Aminado si Meg Imperial na kinailangan niyang mag-adjust nang kaunti sa bagong teleseryeng kinabibilangan niya, ang Super Ma'am ng GMA Network.

Target kasi ng programa ang mga batang manonood at hindi heavy drama.

“Medyo nahihirapan nga akong mag-adjust,” sabi ni Meg nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng show noong Lunes, September 13.

Dagdag pa niya, “Medyo nahihirapan akong mag-adjust, kasi dati, puro drama, puro sakitan.

“Dito, parang kailangan maging mahinahon ka, kasi for kids.”

Gayunman, nilinaw ni Meg na hindi ibig sabihin nito ay iniiwan na niya ang sexy image na naipakita niya sa mga nakaraang proyekto niya sa telebisyon, tulad nitong huli ang D' Originals.

Sabi ng Kapuso actress, “Ako naman, I don't need naman na ilayo nang sobra.

“In time pa rin, I'm young, I have to portray pa rin something more edgy than the usual.

“Pero I'm open na sa light para may transition, para kapag binigyan ka ng mabigat na role, it's a challenge for you talaga.

“Okay ako na mag-light na lang muna para may variety, hindi puro bigat, kasi nakaka-stress din.”

Muling paglilinaw niya, “Sa pa-sexy naman, hindi naman sa tinatapos ko na siya that now I'm doing pambatang show.

“For now, ito ang na-offer and maganda ang project, sino naman ako para tanggihan pa?

“May moral lesson naman, hindi lang siya parang pambata lang.”

Para kay Meg, nais niyang ipagpatuloy ang paggawa ng drama shows sa mga susunod niyang projects.

“I'm more of a drama talaga. Hindi ko naman ilalayo ang sarili ko, na puro ganun lang.

“Gusto ko may challenge pa rin para sa akin.

"So I accept roles din na feeling ko matsa-challenge ako," pahayag niya.


Stories We Are Tracking

Meg Imperial quickly adapts to Kapuso network
Meg Imperial quickly adapts to Kapuso network


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN