Joshua Garcia insists there's no awkwardness between him and Loisa Andalio

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia on alleged awkwardness with Loisa Andalio at The Good Son digicon: "Katulad niyan, wala naman dapat ipag-isip nang masama, nag-iisip sila ng masama. Wala namang problema sa amin."


Pinabulaanan ni Joshua Garcia ang espekulasyong nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ng kapwa Star Magic artist na si Loisa Andalio.

Pahayag ni Joshua, “Katulad niyan, wala naman dapat ipag-isip nang masama, nag-iisip sila nang masama.

“Wala namang problema sa amin.”

Kaugnay ito ng obserbasyon ng ilang netizens na tila hindi kumportable si Joshua na katabi si Loisa sa gitna ng digital conference ng bago nilang primetime series sa ABS-CBN, ang The Good Son.

Ginanap ang digicon sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN kagabi, September 14.


Base sa Facebook live streaming ng PEP, may nagsabing tila nag-iiwasang magkatinginan ang dalawang young stars at kapansin-pansin ang distansiya sa pagkakaupo nila.



May mga nagtatanong din kung ayaw raw ba ni Joshua na madikit kay Loisa, dahil sa labas ng trabaho ay bukas ang binata sa pagsasabing masugid siyang nanliligaw kay Julia Barretto.



Sa panayam ng PEP pagkatapos ng presscon, nilinaw ni Joshua na hindi dapat bigyan ng kulay ang bawat kilos nila ni Loisa.

Patuloy ng 21-year-old actor, “Nakatingin ako sa kanya pag nagsasalita siya, e.

“Wala namang problema sa amin.

“Nandito kami para mai-share sa kanila yung kaunting istorya about sa The Good Son.

“Siguro yun yun.”

Gayunman, hindi kailang minsang naugnay sina Joshua at Loisa sa isa't isa noong una silang nagkakilala sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

May pagkakataong makikitang magka-holding hands ang dalawa sa loob ng Big Brother house, ngunit kinalaunan ay nauwi sa “best friends” ang turingan ng dalawa.

Pagkatapos ng PBB, nanatili silang magkaibigan at nagkatrabaho pa sa afternoon teleserye na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita noong 2015.

Ngunit nagsimulang lumamlam ang pagiging malapit nilang magkaibigang nang matapos ang programa, at magkaroon sila ng kani-kanilang proyekto at iba-ibang kapareha.

Si Joshua ay nakatambal si Julia sa magkasunod na pelikulang Vince & Kath & James (2016) at Love You To The Stars And Back (2017).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang si Loisa ay nakapareha sina Jameson Blake at Mark Oblea sa ABS-CBN weekly series na Wansapanataym My Hair Lady (2016), at nakapareha rin ng dalaga si Jerome Ponce sa Wansapanataym Candy Crush (2017).

Sa huling bahagi ng panayam ng PEP kay Joshua, inamin ng binata na hindi madali ang pagkakaroon ng iba-ibang kapareha, sa pelikula man o sa TV project.

Aniya, "Actually, may fear, kasi siyempre paiba-iba, e.

"Pero siyempre sa industrya namin, kapag nagkakaroon ka ng katrabaho sa iba't ibang tao is naggu-grow ka.

"Nae-explore mo yung paano sila magtrabaho.

"Nakakatakot kasi ayaw din ng tao na papalit-palit, e.

"Pero dito, maggu-grow ka kapag nag-explore ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN