Kiko Estrada happy about ex-girlfriend Barbie Forteza's new love life

IMAGE Noel Orsal

Kiko Estrada wants to be known as an actor, not a celebrity: "Gusto ko lang ipakita sa inyo na kaya kong gawin ang lahat. Kaya kong magbida, kaya kong magkontrabida... sana, sana. I just want to prove to everyone na hindi ako celebrity, isa akong actor. I wanna be good."


Masaya raw si Kiko Estrada para sa ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza, na nakahanap na ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Jak Roberto.

Ayon kay Kiko, “I’m happy for her. I’m really happy for her.

“I heard it from Bea [Binene] and, you know what, I’m happy for them.

“If that’s what they want, I’m full support on what they want.”

Maging ang isa pang ex-girlfriend niyang si Kim Rodriguez ay masaya na rin sa boyfriend nito ngayong actor-politician.

Hindi ba nanghihinayang si Kiko na hindi nag-work ang relasyon niya kina Barbie at Kim?

Tugon ng 22-year-old Kapuso actor, “Siyempre, of course, minahal ko sila for a time, so palagi akong nag-aalala sa kanila.”

Kilala ba niya si Jak at ang boyfriend ni Kim?

“I really don’t know, and I really don’t know Jak that well.

“I don’t know Kim’s boyfriend. I’d like it to stay that way

“Pero, you know, kilala ko sila, matured sila, matalino sila,” pagtukoy ni Kiko sa kanyang ex-girlfriends.

Sa kaso naman ni Kiko, nananatili raw siyang single ngayon.

Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala po, wala po. Focused muna ako sa work ko. 

“I have My Fairy Tail Love Story with Janella [Salvador] and Elmo [Magalona].

“Tapos, may Sunshine din, kami ni Janine Gutierrez ang bida dun.”

May payo rin daw ang kanyang ina na si Cheska Diaz pagdating sa love life.

“Sabi kasi ng nanay ko, hindi mo hinahanap.

“Hindi ka dapat humabol, at dapat sila ang dumating sa ‘yo at dapat umoo ako, sabi ng nanay ko.”

MULAWIN VS. RAVENA FINALE. Samantala, magwawakas na ngayong gabi, September 15, ang kinabibilangang primetime series ni Kiko sa GMA Network, ang Mulawin vs. Ravena.

Pero kung siya raw ang masusunod, gusto niyang mag-extend pa ang kanilang fantaserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana ma-extend kami, pero you know, maganda ang ginagawa namin. Quality ang ginagawa namin,” sabi nniya.

Sa ngayon, gusto raw ipakita ni Kiko sa lahat ang mga maaari niyang gawin bilang isang aktor, lalo pa't galing siya sa angkan ng mahuhusay na artista.

Apo siya ng yumaong character actor na si Paquito Diaz, tiyuhin niya si Joko Diaz, at ina niya si Cheska Diaz.

Ang kanya namang ama ay ang aktor na si Gary Estrada.

Pahayag ni Kiko, “Gusto ko lang ipakita sa inyo na kaya kong gawin ang lahat.

“Kaya kong magbida, kaya kong magkontrabida... sana, sana. 

“You know, magaling ang tatay ko, magaling ang lolo ko, magaling si Manong Joko, magaling ang nanay ko.

“I just want to prove to everyone na hindi ako celebrity, isa akong actor. I wanna be good.”

Speaking of his dad, bakit may balitang hindi na raw siya nagpapakita sa ama niya?

“Busy po siya sa Alyas Robin Hood,” maagap na sagot ni Kiko.

“Nandito naman ako sa Mulawin.

“So, minsan mahirap na ganun ang schedules namin, e. 

“Pero, you know, I have to take care of my mom, and I know Papa understands that.

“Kapag kailangan naman niya ako or there’s an event that I have to go to, may campaign siya, alam niya naman na pupunta ko.”

Nagbibigay rin daw si Kiko ng suweldo niya sa kanyang ina.

“I give her a portion of my suweldo every month.”

E, sa ama niya? 

“I don’t think he needs it!” natawang sagot ni Kiko.

May kanya-kanyang pamilya na ang mga magulang ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN