Atom Araullo bids goodbye to ABS-CBN; set to transfer to GMA Network?

IMAGE Esquire

Atom Araullo on leaving home network of 13 years: "Working with ABS-CBN for over a decade has been an amazing adventure. However, the time has come to explore emerging opportunities and challenges beyond the organization." 


Ngayong Biyernes, September 15, pormal nang inanunsiyo ni Atom Araullo na siya ay nagbitiw na sa lahat ng kanyang tungkulin sa ABS-CBN, kung saan siya ay nagtrabaho ng 13 taon.

Kabilang dito ang pagiging co-host sa daily morning show na Umagang Kay Ganda (UKG).

“Working with ABS-CBN for over a decade has been an amazing adventure.

“However, the time has come to explore emerging opportunities and challenges beyond the organization,” sabi ni Atom sa kanyang opisyal na pahayag, na ibinahagi niya sa Instagram.

Patuloy ng 34-year-old broadcast journalist, “Although I am taking a new path, I have nothing but respect and gratitude for the company that helped me become the journalist I am today.

“To all the hardworking men and women of ABS-CBN, maraming maraming salamat.”

Ayon kay Atom, nagsimula siyang magtrabaho sa ABS-CBN-affiliated channel na Studio 23, kung saan naging co-host siya ng programang Y Speak noong 2004.  

Hanggang sa nagtrabaho siya bilang researcher sa ABS-CBN News and Current Affairs documentary program na The Correspondents

Hanggang sa noong 2007 ay sumabak siya sa pagiging news reporter.

Bago siya tuluyang nagpaalam sa ABS-CBN, noong August 2016 ay naunang binitiwan ni Atom ang kanyang "reportorial duties," ngunit nanatiling camera talent ng ABS-CBN News And Current Affairs. 

EXPLORING OTHER INTERESTS. Sa live episode ng UKG ngayong araw, sinabi ni Atom na ito ang kanyang huling araw ng pagtrabaho sa Kapamilya network. 

Ano ang plano niyang gawin sa bagong yugto ng kanyang karera?

Sagot ni Atom, “Marami pa kasi akong planong gawin, mga gustong subukan. Kailangan ko mag-focus.

“Pero, siyempre, ganun pa rin ang trabaho natin—sa mundo ng journalism.

“Pero ang dami rin kasing opportunities na nagbubukas nitong mga nakaraang buwan.

“At dahil na rin sa mga nagawa natin dito sa UKG, alam niyo naman yung mga interes ko, halu-halo rin ‘yan.

“Napasok na tayo sa larangan ng filmmaking, yung Citizen Jake, abangan niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig rin ako kumuha ng litrato, susubukan din natin yun.”

Ang Citizen Jake ay ang pinagbibidahang pelikula ni Atom mula sa direksiyon ng acclaimed director na si Mike de Leon.

Ayon kay Atom, maayos siyang nakapagpaalam sa ABS-CBN management.  

“Ako naman, e, tuwang-tuwa dahil supportive din naman yung management, at wala naman kaming mga napag-awayan dito sa mga mangyayaring ito.

“Napag-usapan namin na may mga bagay na may simula at may katapusan.

“At eto na yung panahon kumbaga, e, sumubok lang ng bagong landas.”

ABS-CBN'S STATEMENT. Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN.

Nirerespeto raw nila ang desisyon ni Atom na umalis ng Kapamilya network.

Sabi rito, “ABS-CBN has allowed journalist Atom Araullo to explore new interests in film, broadcast, and digital media outside of the company.

“Atom says the training and exposure he got from the network as reporter and TV host have equipped him to try out other opportunities in the media industry here and abroad.

“ABS-CBN wishes Atom all the best in his future endeavors.

“He will always remain a Kapamilya."

TRANSFERRING TO GMA-7. Gayunman, usap-usapan sa social media ang espekulasyong nakatakda umanong lumipat ng GMA Network si Atom. 

Base ito sa comments ng ilang netizens sa Twitter post ni Atom ngayong araw. 

Dito ay may isang Twitter user ang nagsabing nagpahiwatig umano sina Mike Enriquez at Arnold Clavio sa kanilang DZBB radio program tungkol sa posibleng paglipat ng dating Kapamilya talent sa Kapuso network. 


Narito ang ilan pang netizens na nagtatanong kay Atom kung may plano siyang maging Kapuso talent. 


Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng komento ang GMA Corporate Communications hinggil sa espekulasyong posibleng lumipat si Atom sa Kapuso network. 

Agad ilalathala ng PEP sakaling magbigay ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng GMA-7 hinggil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN