Matteo Guidicelli on online bashing: "People bash me all the time, and it gets irritating at times."

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli on use of social media: "It's very easy to go over the line. That's why responsibility in social media is very, very important. Some kids think they're Superman because they can't see their kalaban, they just talk and talk. But at the end of the day, you just have to stand for what you think and you believe is true."


Kagaya ng karamihan ng mga artista, naging biktima rin ng online bashing ang singer-actor na si Matteo Guidicelli.

Noong una raw ay sinasagot niya ang bashers, subalit natutunan na niyang iwasang makipag-away sa mga ito.

Pahayag ni Matteo, “People bash me all the time, and it gets irritating at times.

“I post about something, about working out, and they talk about naglalandi ako sa iba, crazy things.” 

Paano niya sinasagot ang mga ganitong pamba-bash?

“Deadma,” sambit ng 27-year-old Kapamilya star.

Pero noong una, ilang beses daw siyang pumatol sa bashers.

“Dalawang beses, tatlong beses... na-private message ko sila.

“Nakakainis din yung bashers, but at the end of the day, they’re looking for attention.”

Ginawa pang halimbawa ni Matteo ang pakikipagsagutan niya sa columnist na si Teddy “Boy” Locsin, na nagsabing “pathetic” ang performance ng Kapamilya actor sa 2016 teleserye na Dolce Amore.  

Pero kalaunan, naging magkaibigan daw sila.

“We saw each other in church and we hugged each other!” natatawang kuwento ng binata.

SOCIAL MEDIA. Ayon kay Matteo, marami ngayon ang umaabuso sa kanilang karapatan sa social media.

“It’s very easy to go over the line.

"That’s why responsibility in social media is very, very important.

“Some kids think they’re Superman because they can’t see their kalaban, they just talk and talk.

“But at the end of the day, you just have to stand for what you think and you believe is true.

"And what you believe is true in yourself and just move on from that."

READ: Matteo Guidicelli: "I guess Teddy doesn't know what he is talking about so wag na nating patulan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa press conference ng kanyang upcoming concert, ang Hey Matteo, na magaganap sa November 30, sa Kia Theatre.

Focused ngayon si Matteo sa kanyang music career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bago rin siyang album, ang Hey Matteo, na nagtataglay ng mga original songs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN