Jerome Ponce on working with ex-GF Elisse Joson: "It doesn't affect me at all."

IMAGE Noel Orsal

Jerome Ponce on working with ex-girlfriend Elisse Joson: "Wala naman na dapat ilangan, kasi trabaho 'to, e, ibinigay, e. Isipin mo na lang na trabaho 'to."


Nanindigan si Jerome Ponce, 22, na hindi isyu para sa kanya ang makatrabaho ang ex-girlfriend niyang Elisse Joson, 21, sa ABS-CBN primetime series na The Good Son.

Ito ay sa kabila ng masakit na hiwalayan noon ng dating magkasintahan.

Sabi ni Jerome, “Wala naman na dapat ilangan, kasi trabaho ‘to, e, ibinigay, e.

“Isipin mo na lang na trabaho ‘to.

“Huwag ka magpapaapekto sa mga nangyari before.”

Solong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerome pagkatapos ng digital conference ng The Good Son, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN ELJ Building, noong Huwebes ng gabi, September 14.

Parehong dumalo sina Jerome at Elisse sa event, pero magkalayo sila ng kinauupuan sa makeshift stage kaharap ang entertainment reporters at bloggers.

Sa seating arrangement, katabi ni Jerome sina Joshua Garcia at Loisa Andalio bilang sila ang magka-love triangle sa istorya ng The Good Son.


Nasa kabilang side naman si Elisse at ang kanyang leading man at real-life admirer na si McCoy de Leon.


NO BIG DEAL. Ayon kay Jerome, hindi siya apektado nang una niyang malamang kasama ang dating nobya sa cast ng show.

“Parang hindi naman ako nagulat. Eto yun, e.

“Hindi naman siya yung love interest ko talaga exactly.

“And it doesn’t affect me at all.”

Nalaman lang daw ni Jerome na kasama si Elisse sa cast nang matanggap ng binata ang kopya ng script ng show.

Patuloy ni Jerome, “In the first place, tinanong ako, eto ganyan, walang sinabi sa akin kung sino makakasama.

“And this is Dreamscape, so open sila in anything.

“Nung nakita ko na, nabasa ko na yung script, sino ‘to, sino ‘yan, okey naman. Parang chill lang.”

Ang Dreamscape ay isang business unit ng ABS-CBN na nagpoprodyus ng mga teleserye.

BAD BREAKUP. Sinabi rin ni Jerome na wala siyang kailangang itago, lalo na’t pareho sila ni Elisse na naging bahagi ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Lucky Season 7 noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang pumasok si Jerome sa Big Brother House, sinubukan ng binata na makipagbalikan kay Elisse, ngunit diretsahang sinabi noon ng dalaga na wala na siyang nararamdaman para rito.

Dito nabulgar na bago ang kanilang pagsali sa PBB ay lihim silang nagkaroon ng relasyon matapos nilang magkakilala at magkamabutihan sa set ng defunct ABS-CBN daytime teleserye na Be Careful With My Heart, na umere mula July 2012 hanggang November 2014.

Ngunit sa payo na rin ng ina ni Elisse, napilitan ang dalaga na makipaghiwalay kay Jerome.

Una ay dahil itinago ni Jerome ang relasyon nila ni Elisse dahil nagsisimula pa lamang ang showbiz career noon ng binata.

Pangalawa rito ay ang kawalan umano ng kakayahan noon ni Jerome na ipaglaban si Elisse sa matinding pambabatikos ng fans nang isapubliko ng aktor ang kanilang relasyon.

Pag-amin ni Jerome sa July 2016 episode ng PBB, “Hanggang dumating na naman sa point na sobrang nangba-bash na po yung mga fans.

“Na-offend na po yung mama niya. Pinaghiwalay na po kami nang tuluyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN