Bong Revilla describes Jinggoy Estrada's release from detention as "bittersweet"

IMAGE Courtesy of smcp.com

Bong Revilla Jr. on Jinggoy Estrada's release from detention: "While your recent victory is bittersweet for me, mas nangingibabaw ang saya kaysa kalungkutan."


“I hope to join you soon!”

Ito ang mensahe ni dating Senador Bong Revilla Jr. sa nakatakdang paglaya ng kanyang kaibigan at dating kapwa senador na si Jinggoy Estrada.

Ito ay matapos payagan ng Sandiganbayan Special 5th Division, sa botong 3-2, na makapagpiyansa si Jinggoy ng halagang P1.33 million para sa pansamantalang kalayaan nito.

Kaugnay ito ng plunder charges laban sa dating senador dahil sa pagkakasangkot nito sa 2013 Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa parehong kaso rin nasangkot si Bong.

Naka-detain sina Jinggoy at Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center mula pa noong 2014.

Para kay Bong, bittersweet ang paglabas ni Jinggoy mula sa PNP Custodial Center.

Pero mas umiral daw sa kanya ang kaligayahan kesa kalungkutan.

Pahayag ni Bong sa inilabas niyang statement sa media: “Justice is finally freed from the shackles holding it down! 

“Binabati ko ang aking matalik na kaibigan Sen. Jinggoy sa pag-usad ng pagkamit ng katarungan na mahigit 3 taong ipinagkait sa amin.

“Maligaya ako na makakasama mo na pare ang iyong pamilya at ang unti-unting paglabas ng katotohanan hanggang malinis na tuluyan ang iyong pangalan.

“While your recent victory is bittersweet for me, mas nangingibabaw ang saya kaysa kalungkutan.”

Patuloy ng dating senador, “Tatlong taon nating magkasamang hinaharap ang mga hamon sa araw-araw.

“Ngayon ay kailangan ko itong gawin ng wala ka na. Ang kasama ko na lang ngayon ay ang mga mortal mong kaaway na ipis at daga.

“Sa panahong yun, higit kong nakilala ang isang Jinggoy Estrada. Matagal man tayong magkaibigan na, lalo ako napahanga sa iyong puso at pagkatao. Daig mo pa ang isang kamag-anak at para ka ng tunay na kapatid.

“Naging isa ang ating bituka. Ikaw ang isa sa aking matibay na nasandigan sa mga oras ng pagsubok at pagdurusa. Mami-miss ko ang kakulitan mo.

“Ganunpaman, ang iyong paglabas ay nagdala naman ng panibagong pag-asa. It has brought hope that our prayers are now being answered.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa yugtong ito ng iyong buhay, balikan at ipagpatuloy mo ang inagaw sa ating panahon para kalingain ang masa at magsukli sa kanilang pagmamahal.

“Soar pare, soar even higher. Show the people who persecuted us that they will not succeed in their evil plans.

“Mas matindi, mas malakas, at mas dumadagundong na ipakita ni Jinggoy Estrada and uri ng pagmamahal at paninilbihan sa masa na ipinagkait noong ikaw ay pinatahimik.

“Sa mga Justices na kumatig sa katotohanan, maraming salamat po sa pagiging kasangkapan ng tunay na hustisya. 

“Congratulations pare! Tuloy-tuloy na ito nawa. God willing, I hope to join you soon.”

Patuloy namang dinidinig sa Sandiganbayan First Division ang plunder case laban kay Bong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN