Former Senator Jinggoy Estrada thankful for his release after three years of detention

IMAGE Photo courtesy of Bernadette Reyes

Former Senator Jinggoy Estrada walks free after posting P1.33-million bail. 


Lubos ang pasasalamat ni dating Senador Jinggoy Estrada dahil nakalabas na siya sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, ngayong Sabado, Setyembre 16.

Dakong 12:30 ngayong tanghali nang makalabas ang senador pagkatapos magpiyansa ng P1.33 million.

Tatlong taon na-detain si Estrada, kasama ang kaibigan at kapwa-dating senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr., dahil sa pagkakadawit ng kanilang pangalan sa P10-billion pork barrel scam noong 2013.

“Unang-una, nagpapasalamat ako sa ating Panginoon, nagpapasalamat ako sa Sandiganbayan, at sa lahat ng mga nanalangin at dasal para sa akin…,” maikling pahayag ni Estrada sa video na in-upload ni Kevin Manalo sa Twitter.

Na-interview ng press si Jinggoy habang nakasakay ito sa coaster.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan Special 5th Division, sinabi ritong walang matibay na ebidensiya na si Jinggoy ay siyang “main plunderer” ng pork barrel scam.

Sinabi rin ditong ang itinuturong mastermind ng scam na si Janet Lim-Napoles ang may “extensive control” sa scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN