Vice Ganda posts birthday message for the late Direk Wenn Deramas

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Vice Ganda, Claudine Barretto, Pokwang post their birthday messages for the late director Wenn V. Deramas (left), who would have been 51 years old this September 15. 


Nag-post ng birthday message si Vice Ganda para kay Wenn V. Deramas sa okasyon ng ika-51 kaarawan ng yumaong direktor.

Sa Instagram account ng It’s Showtime host, inalala ng komedyante ang direktor na nagbigay sa kanya ng maraming pelikulang malalaking box-office hits.

Sinimulan ni Vice ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng biro tungkol sa pagpaparamdam umano ng direktor.

“Kaya pala panay panay ang pangungulit mo sakin lately kasi Birthday mo ngayon. Ugaling ugali mo talaga yan. Yung pag birthday mo obligado ang lahat na magcelebrate kundi isusumpa mo. Heheheh!!!” sulat ni Vice.

“Namimiss kita. Araw araw. Naaalala kita. Araw araw. Pasensya ka na di muna kita masasamahan dyan ha. Dami ko pa assignment dito e. Tatapusin ko lng muna lahat tapos rampa na tayo dyan.

“Mahal na mahal kita! Noon hanggang ngayon. Walang patid. Walang katapusan. Happy Birthday Direk Wenn!”

Samantala, ang komedyanteng si Pokwang ay nag-post din ng kanyang birthday message para kay Direk Wenn.

Maging si Claudine Barretto ay nag-post ng birthday message para kay Direk Wenn via Instagram. 

Idinerek ni Wenn si Claudine sa mga ABS-CBN teleseryeng Mula Sa Puso (1997-1999) at Marina (2004). 

Pumanaw si Direk Wenn sa edad na 49 anyos noong February 2016 dahil sa cardiac arrest.


Stories We Are Tracking

Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest
Box-office director Wenn Deramas dies after cardiac arrest
What will happen now to Vice Ganda's movie career?
What will happen now to Vice Ganda's movie career?

Kabilang sa mga pelikulang pinasikat ni Direk Wenn ay ang Ang Tanging Ina (2003), Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008), Petrang Kabayo (2010), The Unkabogable Praybeyt Benjamin (2011), Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013), at ang Beauty and the Bestie (2015), na siyang huling pelikulang naidirek niya.

Ang huling apat na pelikulang nabanggit ay panay Vice Ganda starrers.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN