Ash Ortega unapologetic about bikini pictures

IMAGE Ash Ortega Instagram

Kapuso actress Ash Ortega on her recent bikini pics on Instagram: "Clean fun lang po iyon. Nagkatuwaan lang kami that day. Kasi we were on the beach, 'tapos nakasakay kami ng yacht, ang ganda ng water at ang ganda ng weather. Parang it's a great day for a bikini photo shoot."


Walang balak mag-pose ang Kapuso young actress at TV host na si Ash Ortega sa anumang men’s magazine noong mag-post ito ng kanyang bikini photos sa Instagram account niya noong nakaraang buwan.

??????????????

A post shared by Ashley Ortega (@imashortega) on

Super far from home ????

A post shared by Ashley Ortega (@imashortega) on

Ayon sa 18-year old actress, nagkatuwaan lang daw sila ng Wowowin co-hosts niyang sina Ariella Arida at Sugar Mercado noong mag-pose silang naka-bikini sa beach at sa yacht ni Willie Revillame.

“Clean fun lang po iyon.

“Nagkatuwaan lang kami that day.

“Kasi we were on the beach, 'tapos nakasakay kami ng yacht, ang ganda ng water at ang ganda ng weather.

“Parang it’s a great day for a bikini photo shoot.

“Kaya nilabas namin ang mga bikinis naming tatlo and we had a fun shoot.

“Very appropriate naman ang ginawa naming kasi we were outdoors at ang ganda ng beach.

“We were in the right place for those photos.

“Ngayon, kung nasa may EDSA kami at nag-bikini, yun ang malaking issue, di ba?” sabay tawa ni Ash nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Super Ma’am sa Le Reve Events Venue in Quezon City last September 11.

Paano kung mag-offer ang FHM magazine sa kanya para maging cover girl?

“Naku, hindi po puwede.

“I am not ready for that.

“I’m only 18 at hindi ko kaya ang pagiging daring ng mga cover girls nila.

“Like what I said, we did that bikini shoot for fun.

“Walang intention to go further than that,” diin pa ni Ash.

THANKFUL FOR VIRAL AD. Masaya si Ash dahil sa magandang takbo ng career niya ngayon sa telebisyon.

Malaking tulong daw kasi ang nag-viral na TV commercial na ginawa niya for Jollibee noong nakaraang Valentine’s Day.

“I’m really thankful na kinuha nila ako for that Jollibee TV commercial na ‘Crush.’ It really opened new doors for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aside from acting, naging TV host pa ako sa Wowowin.

“Thankful ako for Kuya Will for giving me that opportunity.

“I feel so blessed now kasi good things are coming and I thank God for all of them,” ngiti pa niya.

TV SHOW. Kasama si Ash sa cast ng Super Ma’am kunsaan isa siya sa mga pasaway na students ni Marian Rivera-Dantes.

Magkakaroon siya ng crush sa kanilang math teacher na ginagampanan ni Enrico Cuenca, ang naging partner ni Ash sa Jollibee TV commercial na “Crush.”

“It’s great that they were able to cast Enrico sa Super Ma’am.

“This is his first time to act in a teleserye and he said na he’s very nervous.

“Kasi iba raw ang pag-arte sa TV commercial kesa sa isang TV series.

“I told him naman that it’s not that different.

“Just have fun with your role and be natural.

“Huwag niyang pahalata na kabado siya,” diin pa ni Ash.

BREWING LOVE TEAM. Mukhang binebenta na sila bilang loveteam ni Enrico. Wala naman daw problema yun para kay Ash.

Lahad niya, “It’s okay for me.

“I used to be teamed up with Ruru Madrid before.

“Pero he’s paired na with Gabbi Garcia.

“It would be nice to be part of a loveteam again.

“Kami naman ni Enrico, we both have many things in common.

“Unang-una, we’re both born in December and we both love dogs.

“Ako, in particular, I love all kinds of animals.

“I’ve known Enrico since January of this year and we’ve been following each other’s social media accounts.

“Tapos, magkasama pa kami sa Super Ma’am.

“It’s one way to really get to know each other more since magkakasama kami sa taping every week.

“Kaya it’s all good for both of us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN