Miles Ocampo says social media both good and bad for celebrities

IMAGE @milesocampo on Instagram

Miles Ocampo refuses to comment on John Lloyd Cruz-Ellen Adarna's controversial vacation videos. Instead, she comments on social media and its difficulties: "Pero siyempre po, yung disadvantages, yung konting makita online, kung ano ang makita at hindi naman nila alam kung ano ang buong nangyari, kung ano ang before and after na nangyari, nahuhusgahan po tayo."


Umiwas magkomento si Miles Ocampo nang tanungin namin siya tungkol sa controversial vacation videos nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna kamakailan.

Magkakasama sina Miles, John Lloyd, at Ellen sa cast ng Kapamilya comedy show na Home Sweetie Home.

Sa nabanggit na videos, na kuha mula sa bakasyon ng grupo nina John Lloyd at Ellen noong nakaraang linggo sa Bantayan Island, Cebu, ay makikita si John Lloyd na tila lasing habang kumakanta, sumasayaw, at kung anu-ano pa ang ginagawa.

Sabi ni Miles, “Wala po akong karapatan para mag-comment sa isyung yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miles sa presscon ng kauna-unahan niyang pelikula sa Regal Films, ang The Debutantes, noong September 12, sa Valencia Events Place.

SOCIAL MEDIA RESPONSIBILITY. Dahil sa isyung kinasangkutan nina John Lloyd at Ellen, napunta ang usapan sa pagiging responsable ng mga artista sa social media.

Isa si Miles sa mga Star Magic artists na maraming followers sa Instagram.

Meron siyang 2.2 million followers!

Isa rin siya sa mga artistang masipag mag-post.

Pero naniniwala si Miles na dahil sa social media ay mas madaling nahuhusgahan ang mga katulad niyang artista.

“Ang social media po, ang laking tulong niya, but at the same time, meron din po siyang mga disadvantages.

“Yung advantages po, unang-una, yung chance na mai-share po namin kung ano kami sa normal na buhay, mag-interact with our fans.

“Pero siyempre po, yung disadvantages—yung konting makita online, kung ano ang makita at hindi naman nila alam kung ano ang buong nangyari, kung ano ang before and after na nangyari—nahuhusgahan po tayo.

“Pero siyempre, dahil nandiyan na nga, wala po tayong way para maipagtanggol ang sarili po natin.

“Kasi, kumbaga, since nasa monitor lang ‘yan, nasa phone lang ‘yan, sarado na po ang utak nila, kasi yun lang ang nakikita nila.”

CAUTION. Sa parte ni Miles, hindi naman daw siya nahihirapan sa social-media life niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasi po siguro, ako kasi, siyempre po, nandoon yung nag-iingat ka talaga kung ano ang ipu-post mo.

“Kung okey ba ‘tong i-post or hindi ba ito dapat i-post.

“Kasi po ako, hindi naman ako nahihirapan.

“Kung ano lang po ako sa normal na buhay, kung ano lang po ako, yun lang po ang pinapakita ko, para hindi naman po all the time makita nila na, 'Ahh, itong si Miles, artista siya...'

“Siyempre, dapat makita rin nila kung ano ang other side mo kapag hindi ka artista—normal na bata lang, normal na estudyante. Yung ganun po.”

TRAVEL BUG. Ang The Debutantes ay isang horror-suspense movie tungkol sa isang dalagitang magde-debut.

Nalagpasan na raw niya ang phase na ito ng buhay niya.

Noong nag-debut daw siya, mas pinili niyang mag-travel at magpunta sa Japan kesa magkaroon ng engrandeng party.

Dahil dito ay naimpluwensiyahan din daw niya ang bestfriend niya na si Sharlene San Pedro nang mag-selebra ito ng ika-18 kaarawan ngayong taon.

Aniya, “Ang goal ko po, ang ni-request ko po sa nanay ko tuwing birthday ko, mag-travel po.”

Sa Japan daw siya pumunta noong 18th birthday niya.

Noong ika-19 birthday naman niya, sa Taiwan siya bumisita.

At dahil naimpluwensiyahan niya rin si Sharlene, sa Australia raw sila pumunta, at nagsilbi na rin ito bilang regalo niya para sa sarili para sa ika-20 kaarawan niya.

Silang dalawa lang ni Sharlene ang nag-Australia?

“Naku, hindi po magpapatalo ang mga nanay po namin, kasama po sila,” natawang sabi niya.

Noong May raw sila nagpunta ng Australia.

ENJOYING SCHOOL WORK. Kasalukuyang nag-aaral pa rin si Miles sa University of the Philippines.

Ang kurso niya ay Malikhaing Pagsusulat, o Creative Writing, at nasa ikatlong taon na siya.

Kuwento ni Miles, “From Theater Arts po, nag-shift po ako.

“Nag-aral din po ako kay [scriptwriter] Sir Ricky Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, by batch po yun.

“Ang tagal po ni Sir Ricky bago nagpa-workshop ulit.

“Parang fourteen years po yata.

“Ako po yung batch 15 na pagbalik ni Sir.

“Ang sarap po ng experience at parang naging opportunity rin siya for me.

“Nagkaroon ako ng bagong environment. Hindi lang sa pag-aartista, hindi lang sa school.

“Nagkaroon ako ng bagong mundo, bagong pangarap.

“Ang mga kasama ko po noong una, nakaka-intimidate.

“Ako po ang pinakabata, ako po ang pinaka-walang experience sa kanila.

“Kasi yung ibang nakatrabaho ko, writer na sa indie, sa telebisyon, or director na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN