Chanel Morales denies meddling in boyfriend Carl Guevara's career decisions

IMAGE Carl Guevara Instagram

Chanel Morales on jealousy issue with boyfriend Carl Guevara: "Parang hindi siya nagseselos sa akin. Parang ako nga yung nagseselos pagdating sa kanya. Sa akin, hindi. Nakikita naman niya kung gaano ako ka-loyal sa kanya, na sa kanya lang ako. Siguro, there are some na may nanliligaw sa akin or nagpaparamdam sa akin, pero parang super quiet lang siya. Hindi siya nagsasabi kung nagseselos ba siya."


Malaking palaisipan kay Chanel Morales ang balitang siya ang rason kung bakit kumalas ang kasintahang si Carl Guevara sa dati nitong management team, ang PPL Entertainment Inc., na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

Kabilang sa mga artistang hinahawakan ng PPL ay sina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Angelika dela Cruz, at Jaclyn Jose.

Mga dalawang taon na ang nakalilipas mula nang umalis si Carl sa poder ni Perry.

Hindi alam ni Chanel kung bakit nagkaroon ng isyu tungkol dito, gayong wala raw siyang alam sa mga desisyon ni Carl sa showbiz career nito.

Pahayag pa niya, “Kasi ako, hindi ako nangingialam, lalo na sa work. 

“Lalo na ako, ayokong pinakikialaman ako sa work.

“Siguro sariling desisyon niya yun kung ano ang gusto niyang gawin sa career niya. 

“But, I support him and everything.”

Inamin naman ni Chanel na nagkausap sila ni Carl bago ito umalis sa poder ng PPL.

Sabi ng dating TV5 contract star, “Nag-ask siya ng advice sa akin kung paano ang gagawin niya, kung lilipat ba siya or anything. 

“Sabi ko, ‘It’s up to you kung gusto mong lumipat or ano. Kasi, at the end of the day, pag may ginawa ka, ako yung sisisihin.’

“Sabi ko, gawin mo lang ang kailangan mong gawin, at I’m just here to support him.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chanel sa media launch ng pelikulang The Debutantes noong September 12.

Isa si Chanel sa lead stars ng nasabing horror-suspense-thriller, kasama sina Sue Ramirez, Jane de Leon, at Miles Ocampo.

Ang The Debutantes ay iprinodyus ng IdeaFirst Company para sa Regal Films, mula sa direksiyon ni Prime Cruz.

RELATIONSHIP ISSUES. Magdadalawang taon na ang relasyon nina Chanel at Carl ngayong September.

Bago naging sina Chanel at Carl, ang huling napabalitang kasintahan ng hunky actor ay ang Kapuso actress na si Kris Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumagal ng halos dalawang taon ang relasyon nina Carl at Kris.

Kabilang daw sa dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ay ang pagiging demanding ni Carl sa atensiyon ni Kris at ang diumano’y pagiging seloso nito.

Nang matanong si Chanel tungkol sa mga ganitong usap-usapan tungkol kay Carl, ipinagtanggol niya ang nobyo.

Saad niya, “Parang hindi siya nagseselos sa akin. Parang ako nga yung nagseselos pagdating sa kanya.

“Sa akin, hindi. Nakikita naman niya kung gaano ako ka-loyal sa kanya, na sa kanya lang ako. 

“Siguro, there are some na may nanliligaw sa akin or nagpaparamdam sa akin, pero parang super quiet lang siya.

“Hindi siya nagsasabi kung nagseselos ba siya. 

“So far sa relationship namin, ha?”

JEALOUSY. Dahil hunk ang dating ni Carl, hindi imposibleng may magkandarapa sa kanyang ibang babae, pati na rin ang mga kapwa lalaki.

Sa tanong namin kung ano ang mas pipiliin niyang maging karibal, babae o bading, hindi agad nakasagot si Chanel.

“Ang hirap ng tanong na 'yan ha?” nangingiti niyang bulalas.

“Wala akong pipiliin, both masakit, if ever. 

“Parang hindi ko kakayanin if ever na may bading man o girl.

“Siyempre, if ever na magkaroon ng relationship ang isang tao sa iba, that’s a form of cheating. 

“Siyempre ako, ayoko yun ang mangyari. Both ways, masakit.

“Pag nagkakagusto or crush or admiration, it’s okay. 

“Pero beyond that siguro, ibang usapan na ‘yan… selosa talaga ako. 

“Kasi, only child ako. Siguro ang personality ko. Scorpio ako.

“Like, kunwari pag may mag-message sa kanya na whatsoever, iniisip ko na agad na parang may nagkakagusto sa kanya. 

“Kasi kilala siya, Bench Body siya, iba yung dating sa akin.

“Pero, at the same time, pag may nararamdaman kang ganun, sometimes, may gut feel ka na totoo o hindi. 

“Naniniwala ako minsan sa gut feel, pero minsan daw totoo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako talaga, mini-make sure ko na kung may nararamdaman ako, tinatanong ko siya. Kinaklaro ko. Mas gusto ko na sinasabi sa akin.”

GENEROUS BF. Sa mga interview ni Kris Bernal noong sila pa ni Carl, lumalabas na generous boyfriend ang aktor. 

Generous din ba si Carl kay Chanel?

Sagot ng dalaga, "Hindi ko naman alam kung ano yung meron sa kanila.

“Hindi naman ako dito lumaki sa Manila, sa Bacolod ako.

“Nagmi-make time siya sa akin palagi. Nag-e-effort sya. 

“Parang he makes sure that, at least every week, magkikita kami. 

“Actually, ako rin ay nag-i-invite sa kanya na mag-travel. 

“The last time nag-travel kami sa Bacolod, sa Bali [Indonesia]... 

“So, nakasama rin siya ng family ko.”

Patuloy niya, “Kaming dalawa abroad na mag-travel, feeling ko, hindi pa ako papayagan. 

“Usually, palaging kasama si Mommy pag umaalis kami.”

Ayon pa kay Chanel, may mga biyahe silang si Carl ang nagbabayad ng sarili niyang expenses at may pagkakataong inilibre ng mga magulang niya ang aktor.

Sabi pa ni Chanel, “Kasi, for me, off naman na tatlo kami, tapos siya ang maglilibre sa aming lahat.

“Tanggap siya ng family kasi ilang beses na rin siyang nakapunta ng Bacolod, na-meet niya ang lolo ko, yung dad ng mom ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN