Bong Revilla gets surprise visit from Jinggoy Estrada

IMAGE Courtesy of smcp.com

Bong Revilla (right) was surprised when Jinggoy Estrada visited him today, Sunday, September 17, 2017, a day after Jinggoy was released on bail from the PNP Custodial Center in Camp Crame. Bong said he has faith in the justice system: "We believe in the sense of fairness of the court. We continue to trust that justice will prevail."


Isang sorpresa ang natanggap ngayong Linggo ni former Senator Bong Revilla Jr.—ang pagdalaw sa kanya ni ex-Senator Jinggoy Estrada, na kahapon lamang lumaya mula sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Kasama ni Jinggoy sa pagdalaw kay Bong ang kanyang asawang si Precy, ang anak nilang si Janella, at ang mga kapatid niyang sina Jackie at Jude Estrada.

Tulad ng ibang mga bisita, may suot na visitor's ID si Jinggoy na dating dinadalaw din sa selda na kinapipiitan ni Bong.

"Nabuo ang araw ko sa pagdalaw ng aking pinakamatalik na kaibigan na lumaya lang kahapon.

"Hindi kami mapaghihiwalay kailanman, ninuman.

“Salamat, kaibigan," pagpapasalamat ni Bong, na hindi raw nawawalan ng tiwala sa justice system ng Pilipinas.

Aniya, "Patuloy po tayong nagtitiwala sa Panginoon, higit pa ngayon.

“We believe in the sense of fairness of the court.

"We continue to trust that justice will prevail.

“Our lawyers know what is best to be done.

“Patuloy tayong manalangin at darating din ang tugon sa tamang panahon."

Ilang oras bago siya lumaya kahapon, sinabi ni Jinggoy na ipinagdarasal daw niyang payagan ding makapagpiyansa si Bong.

"Can't express my feelings right now.

“Nalulungkot ako [para] sa aking kaibigan, si Senator Bong.

“Ipanalangin natin na nawa'y ipagkaloob din sa kanya ang kanyang kalayaan," lahad pa ni Jinggoy.

Nakalaya si Jinggoy kahapon, September 16, 2017, matapos payagan ng Sandiganbayan Special 5th Division, sa botong 3-2, na makapagpiyansa sa halagang P1.33 million para sa pansamantalang kalayaan.

Kaugnay ito ng plunder charges laban sa dating senador dahil sa pagkakasangkot nito sa 2013 Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa parehong kaso rin nasangkot si Bong.

Naka-detain sina Jinggoy at Bong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center mula pa noong 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN