Ash Ortega laughs off rumors linking her to Willie Revillame

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress and Wowowin co-host Ash Ortega laughs off rumors linking her to Willie Revillame: "Actually, I'm not surprised! Lahat talaga ng nalalapit kay Kuya may isyu, so I'm not surprised. Tinatawanan na lang namin."


Aware si Ash Ortega na nali-link siya kay Willie Revillame.

Sabi niya, “Lahat naman ng nagiging close kay Kuya, nali-link.

“But no, actually sa set, sa buong staff, ang tawag nila sa akin, bunso.”

Isa si Ash sa mga co-hosts ni Willie sa Wowowin.

“Even si Kuya, he calls me bunso. Si Kuya sobrang love na love ko siya.

“Para siyang tatay ko, parang best friend ko, super close kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ash sa presscon ng Super Ma'am noong nakaraang Lunes, September 11, sa Le Reve Pool Party and Events Place sa Sgt. Esguerra Ave. sa Quezon City

NOT SURPRISED. Hindi naman nagulat si Ash na inili-link siya kay Willie.

Lahad niya, “Actually, I’m not surprised!

“Kinukuwento ko nga kay Kuya, ‘Kuya alam mo bang may isyu tayo?’

“Sabi niya, ‘Ano ba naman ‘yan? Anak na nga kita, 'tapos nagiging isyu?’

“Sabi ko, ‘Kuya, ganyan talaga, ganyan talaga.’

“E, sabi niya, ‘Huwag mo na lang basahin yung comments.’

“Lahat talaga ng nalalapit kay Kuya may isyu, so I’m not surprised.

“Tinatawanan na lang namin.”

SAVED UP FOR HER OWN CAR. May isyu rin na binigyan daw siya ni Willie diumano ng kotse.

Mabilis na tanggi ni Ash, “Ay, no! The car I have right now, ako ang nagbayad nun, actually.

“I heard one rumor lang na yung bago kong car bigay raw ni Kuya Will. Oh my gosh!

“Natawa ako dun.

“Of course not! Since this year, sobrang dami kong naipon—may endorsements, tapos teleseryes ko, yung movie.

“Nakaipon ako ng money, nakabili ako ng brand new car na yun!”

Siya lang daw talaga ang gumastos para sa bago niyang Fortuner.

NOT OFFENDED BY RUMORS. Nao-offend ba si Ash kapag may ganitong isyu tungkol sa kanya?

Lahad niya, “Actually, hindi.

“Hindi nga ako natatamaan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natatawa lang ako kasi I’m sure prepared talaga ako na bibigyan nila ng isyu.

“Especially na, di ba, sobrang malapit kaming buong production ng Wowowin, we’re super-close.

“Kahit off-cam, kahit walang taping days, we hang out as a whole family.

“Lalo na si Kuya, sobrang mahal na mahal ko si Kuya.”

Ano ang magiging reaksyon ni Ash kapag niligawan siya ng isang lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya?

Aniya, “Well, actually, pag love naman iyan, there’s nothing wrong.

“And ayokong magsalita nang tapos, I’m not saying na, 'Yuck, mandidiri ako!'

“Basta I just don’t see myself being with someone who is way, way older than me.

“Pero siyempre, ayoko pa ring magsalita nang tapos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN