Vic Sotto on son Vico and brother Tito's opposing views on CHR P1000 budget: "Wala sa pamilya yun"

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto says that despite their dissenting views on the CHR-budget-cut issue, his son Vico and his brother Tito do not discuss their differences at their family reunions: "It doesn't mean na magkaaway na tayo kasi kung ikaw naniniwala sa yung hindi ko pinaniniwalaan, kanya-kanyang ano yun. Wala sa pamilya yun. It's a very petty issue. Kanya-kanya yun, e."


Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic Sotto ng kanyang opinyon sa pagkakasalungat ng pananaw ng anak na si Vico at ng kapatid na si Tito kaugnay ng pagbigay ng isang-libong-pisong budget sa Commission on Human Rights (CHR).

Si Vico, kasalukuyang konsehal ng 1st District ng Pasig City, ay tutol; si Tito, kasalukuyang senador ng Pilipinas, ay pabor.

Ayon kay Vic, hindi naman daw isyu ito sa kanilang pamilya.

Lahad ni Vic, “That’s what democracy is all about.

“May kanya-kanya tayong pananaw sa mga isyu.

“So, respetuhan na lang.

“It doesn’t mean na magkaaway na tayo kasi kung ikaw naniniwala sa yung hindi ko pinaniniwalaan, kanya-kanyang ano yun.

“Wala sa pamilya yun.

“It’s a very petty issue. Kanya-kanya yun, e.”

Hindi raw ito napag-uusapan kapag nagsasama sila, ngunit solid daw ang pamilya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic sa set ng MMFF entry niyang Meant To Beh noong kamakalawa nang gabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN