Ruffa Gutierrez gets no financial support from ex-husband

IMAGE Noel Orsal

Ruffa Gutierrez says it's a waste of time seeking financial support from her ex-husband for their two daughters because, "every time that we end up talking, it doesn't end up in a good conversation, so might as well huwag na lang, di ba?" 


Wala raw nakukuhang financial support si Ruffa Gutierrez mula sa dating asawang si Yilmaz Bektas para sa kanilang dalawang anak na babae—sina Lorin, 14, at Venice, 13.

Ayon sa 43-year-old single mom, “He hasn’t given anything except for peanuts.

“I think that’s all he’s sent me from Istanbul... peanuts and maybe—maybe, I don’t even remember—2,000 dollars.

“Antagal na nun, nineteen kopong-kopong pa, so wala pa siyang ipinapadala.”

Hindi na rin daw siya nagpursiging humingi kay Yilmaz, isang Turkish businessman.

“Ayoko na ding humingi at maghintay, di ba?

"Kasi, kung ikaw, kung gusto mo talagang magbigay, magbibigay ka.

“Buti kung poor ka, maiintindihan ko, di ba? Pero hindi naman, he’s successful.

“Pero my mom [Annabelle Rama] actually told me, ‘Don’t ask anymore kasi maayos naman buhay mo.’

"Thank God that I have a lot of projects na I’m able to raise them on my own, so thank you for that."

Hindi rin daw kailangang hingin ang permiso ni Yilmaz ngayong pinapasubok ni Ruffa ang mga anak sa showbiz.

“According to the court, I have sole custody of the kids, so I make decisions for them.

"I’m their mother and father," sabi niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa contract signing niya bilang pinakabagong talent ng ALV Talent Circuit, na pagmamay-ari ng talent manager na si Arnold Vegafria, noong Biyernes, September 15.

STRONG ENOUGH. Bakit hindi niya kinakausap si Yilmaz para sa financial support ng kanilang mga anak?

“Because every time that we end up talking, it doesn’t end up in a good conversation, so might as well huwag na lang, di ba?

"Ayoko nang ma-stress sa buhay ko. Tutal, okay naman ako.

"So, sana kung hindi ako okay or walang pumapasok na projects, walang trabaho, then I would be stressed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’m also thankful that I have a strong family.

"So, bago ako mangutang sa kanya, mangungutang muna ako kay Mommy tsaka kay Chard,” pagtukoy niya sa nakababatang kapatid na si Richard Gutierrez.

Patuloy ni Ruffa, “I feel like I’m strong enough naman.” 

Hindi ba naiisip ni Yilmaz ang mga anak nila?

Sagot ni Ruffa, “I’m sure hinahanap niya.

"Pero kung gusto naman niyang gumawa ng paraan, puwede namang gumawa ng paraan na sarili niya.

“The kids are old enough, di ba, so he can reach them on his own.”  

Ikinasal si Ruffa kay Yilmaz noong 2003, ngunit naghiwalay rin sila noong 2007.

Inanunsiyo ni Ruffa ang annulment nila noong 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN