Comedian Empoy Marquez transforms into a heartthrob after Kita Kita success

IMAGE Noel Orsal

Comedian Empoy Marquez is making hay, and his family is proud of his achievements. "Sobrang proud sa akin, ngayon pinaglalaba na ako ng medyas at brief, dati T-shirt lang," he jokes.


Nag-iba ang takbo ng career ng comedian na si Empoy Marquez pagkatapos maging surprise box-office hit ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita.

Itinuturing na isang indie film ang Kita Kita, at bago nito'y hindi maikukunsiderang box-office stars sina Empoy at Alessandra .

Kaya marami ang nagulat nang tumabo nang mahigit sa P300,000,000 ito sa takilya, at tuloy binansagang most successful indie film of all time.

Dahil din dito ay nagkaroon ng panibagong sigla ang kani-kanilang career.

Sa kaso ni Empoy, sunud-sunod ang mga proyekto niya ngayon at maging mga endorsement deals.

Sabi nga ng 36-year-old comedian, “Sobrang blessed ni God sa lahat ng tinatamasa at mga natatanggap ko ngayon.

“Thankful sa lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon.”

Ipinagpapasalamat din ni Empoy dahil pipirma na siya ng exclusive contract sa Star Cinema.
    
Aniya, “Sobrang proud at nagulat din sa pagkakataon na yun.

"Sobrang thankful sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empoy sa shooting ng upcoming comedy film na Kwento ni Money.

EMPOY'S LOVE LIFE. Dahil sa tagumpay ng Kita Kita, nag-iba rin ang tingin ng mga kababaihan kay Empoy.

Mula sa ordinaryong komedyante ay isa na siyang "heartthrob" kung ituring ngayon.

Kaya hindi kataka-taka kung interesado ang marami sa pribadong buhay ni Empoy.  

May girlfriend ba siya o may pananagutan na ba siya sa buhay?

Biro muna ni Empoy, “Focus muna ako sa work, kasi strict ang parents ko."

Pero pag-amin niya, “Bale wala na kami, nasa Singapore na yung dati kong girlfriend.

“Siguro work muna ngayon, darating din yung tamang panahon para dun.
   
“Sakto lang, may communication kami, may family na siya.

“This Tuesday, pupunta ako ng Singapore."

May chance kayang magkita sila ulit ng ex-girlfriend niya?

“Wala, wala naman... Friends kami sa Friendster. Yung pagbukas mo ng Friendster, may tugtog,” biro niya ulit.
 
GOOD SON. Ayon kay Empoy, halos hindi niya ginagalaw ang kanyang kinikita sa trabaho.
  
“Sa ngayon, ipon muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa akong nagagawa kung anuman yung mayroon ako ngayon.

“Ipon, impok muna, family.”
 
Malalim ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Empoy sa pamilya.

Kamakailan nga ay nag-post si Empoy sa Instagram ng larawan kasama ang ama at buong pamilya. 
   
Kuwento niya, “Birthday ni Daddy, sarado 60 siya, kaya trineat namin siya ng family ko.

“Somewhere in Manila, kasi gusto niya magkakasama kami ng mga kapatid ko."

Nagpunta rin siya sa sementeryo kung saan nakalibing ang kanyang lola.
    
“Lola ko, nanay ni Mommy, nung nabubuhay pa siya, alam niya na ito ang naging trabaho ko sa industriya.

“Kaya bago niya kami iwan, sinigurado niya muna na maging okay ang kalagayan ko.”
 
Proud nga raw ang pamilya ni Empoy sa achievements niya.

Biro pa ni Empoy, “Sobrang proud sa akin, ngayon pinaglalaba na ako ng medyas at brief, dati T-shirt lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN