Nash Aguas opens up about separation of his parents

IMAGE Noel Orsal

Nash Aguas nagsalita tungkol sa hiwalayan ng kanyang mga magulang: "Siyempre po, malungkot... Pero kasi, siguro yung mga naka-experience or makaka-experience nun, tiwala lang. Dahil at the end of the day, malalaman mo kung bakit pinaranas sa 'yo ni Lord yun." 


Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Nash Aguas na hiwalay na ang kanyang mga magulang na sina Allan at Net Aguas.

Pag-amin ng 18-year-old Kapamilya actor, “Kasi yung dad ko, nasa States siya ngayon.

“Separated din sila ni Mommy.

“Ngayon, madali na para sa akin na sabihin kasi medyo matagal na, and naging maayos na rin po kami ni Daddy.”

Inihayag ito ni Nash sa digital presscon ng ABS-CBN primetime teleserye na The Good Son, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building, Quezon City, noong Huwebes, Setyembre 14.

Ayon kay Nash, isa sa mga dahilan kung bakit nagkalamat ang relasyon ng kanyang mga magulang ay ang pamamalagi ng ama sa ibang bansa.

Maliban dito ay hindi na idinetalye ng binatang aktor kung ano ang eksaktong pinag-ugatan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Sabi ng The Good Son actor, “Parang lagi siyang nasa States…

“Siyempre po, malungkot.

“Actually, nung wala siya, kinailangan ko mag-step up para maging tatay din sa kapatid ko at sa mommy ko.”

Panganay na anak si Nash at mayroon siyang nakababatang kapatid na si Chloe.

BE POSITIVE. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng digicon, inilarawan ni Nash kung gaano siya naapektuhan ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

“Grabe, akala ko wala na. Ganun yung pakiramdam, e.

“Pero kasi, siguro yung mga naka-experience or makaka-experience nun, tiwala lang.

“Dahil, at the end of the day, malalaman mo kung bakit pinaranas sa ‘yo ni Lord yun.”

Sa kabila ng problemang pinagdaanan ng kanilang pamilya, mas gusto raw ni Nash na magpokus sa positibong epekto nito sa pagbuo ng kanyang pagkatao.  

Dagdag niya, “Kung hindi ko naranasan yun, baka tulad lang ako ng ibang kabataan na walang pakialam sa pamilya or party lang nang party, walang sense of responsibility.”

Nabanggit din ni Nash nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap at makausap nang masinsinan ang ama nang umuwi ito sa Pilipinas noong Marso. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung anu’t ano man, ang mahalaga ay “nagkabati” na raw silang mag-ama.

:]

A post shared by Nash Aguas (@zackwey) on

Paano niya inaalalayan ang kanyang ina sa ngayon?

Sagot ni Nash, “Mini-make sure ko lagi na ayaw kong nahihirapan siya.

“At the same time, hindi na rin naman bata si Mommy, 40-plus na siya.

“As much as possible, ayokong intindihin niya yung mga nangyayari.

“Gusto ko mag-relax na lang siya. Miski sa kapatid ko, ako na lang rin [ang umaalalay].”

Date night.

A post shared by Nash Aguas (@zackwey) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN