Veteran character actor Ernie Zarate dies at 77

Veteran actor Ernie Zarate is gone, after succumbing to complications of diabetes, says his son, sports announcer Noel Zarate.


Pumanaw na ang batikang aktor na si Ernie Zarate sa edad na 77.

Namatay sa kumplikasyon sa sakit na diabetes ang veteran character actor noong Sabado, September 16.

Ayon sa anak niyang sports announcer na si Noel Zarate, na nakausap ng GMA News, nagkaroon ng kidney failure ang kanyang ama noong 2015 at sumailalim na rin ito sa dialysis.

Dekada '70 nang magsimula sa pag-arte si Ernie.

Ilan sa mga kilalang pelikulang kinabilangan niya ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Relasyon (1982), Orapronobis (1989), at Patayin sa Sindak si Barbara (1995).

Madalas din siyang mapanood na gumanap ng supporting roles sa maraming action films noong dekada '90.

Nakalagak ang mga labi ni Ernie sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

Ihahatid ang beteranong aktor sa kanyang huling hantungan sa Huwebes, September 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN