Alden Richards brushes off bashers criticizing his appearance in martial law special

IMAGE GMA-7's Alaala: A Martial Law Special

Alden Richards stands by his portrayal of the real-life story of martial-law survivor, student activist, and award-winning writer Boni Ilagan, who was captured and tortured by the military during the administration of former president and dictator Ferdinand Marcos. 


Umani ng pambabatikos mula sa ilang netizens ang pagganap ni Alden Richards sa buhay ng dating student activist na si Bonifacio “Boni” Ilagan sa docu-drama special ng GMA News and Public Affairs na Alaala: A Martial Law Special.

Si Boni ang founding director ng Kabataang Makabayan ng University of the Philippines-Diliman at first-quarter-storm veteran noong panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ngayon, siya ang vice chairperson ng Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), isang grupo ng mga naging political detainees.

Sa docu-dramang ipinalabas sa GMA Network noong Linggo ng gabi, September 18, inilahad ang matapang na pakikipaglaban ni Boni, kasama ng isa pang first-quarter-storm veteran at kilalang manunulat noon ng Free Press na si Jose “Pete” Lacaba.

Si Rocco Nacino ang gumanap sa buhay ni Pete sa docu-drama special, na personal na isinulat ni Boni at idinirehe ni Adolf Alix.

Ang sabay na pagdakip, pambubugbog, at pananakot kina Boni at Pete ang ilan sa nakakapangilabot na mga eksena sa pagsasadula sa mga nangyaring karahasan noong panahon ng martial law.

Kaugnay ito ng pagsanib nina Boni at Pete sa underground (UG) movement ng activist-writers na nagpalaganap ng mga kwento ng panggigipit at karahasang sanhi ng martial law. 

Ang martial law o batas militar ay idineklara sa Pilipinas ni Marcos noong Setyembre 21, 1972.

Opisyal na nagtapos ito noong January 17, 1981, sa pamamagitan ng Proclamation No. 2045 din ni dating Marcos.

Ngunit nanatili ang mga batas at istruktura ng martial law hanggang sa pagpapalayas sa mga Marcos ng People Power Revolution noong 1986.


BASHERS. Ang madamdaming pagsasadula ni Alden ng buhay ng martial-law survivor na si Boni Ilagan ay hindi nagustuhan ng ilang netizens, na nagkomento sa official Facebook page ng GMA News and Public Affairs.

Isang Facebook user na nagpakilalang AlDub (Alden at Yaya Dub) fan ang nagsabing dismayado siya kay Alden dahil sa paggamit ng aktor sa popularidad nito upang siraan umano ang panunungkulan ni dating Pangulong Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang Facebook user ang nagsabing “waste of time” ang pagtanggap ni Alden ng martial law special.

Ang nga nagkomentong ito ay posibleng maka-Marcos o di kaya'y walang alam sa mga totoong nangyari noong panahon ng martial law.

Ngunit agad dinepensahan si Alden ng Facebook administrator ng GMA News and Public Affairs.

Pahayag ng Facebook administrator: “Hi Kapuso, ang docu-film na ito ay tungkol sa mga biktima ng human rights abuses noong Martial Law na hanggang ngayon ay nanghihingi ng hustisya kaya po mahirap sabihing mag-'move on' na lamang.”

Naglagay rin ang Facebook administrator ng links ng mga nailathalang balita tungkol sa human rights violation at corruption noong martial law.

UNPERTURBED ALDEN. Mismong si Alden ay hindi nagpatinag sa kabila ng pambabatikos sa kanyang pagganap sa buhay ng martial-law survivor na si Boni.

Sa kanyang Instagram post kagabi, Setyembre 18, nagbahagi si Alden ng kanyang larawan na may maiksi ngunit makahulugang caption na nagsasabing “Brush it off.”

Hindi man nagbanggit ng iba pang detalye ang Kapuso actor, malinaw na ito ang mensahe niya ilang oras matapos kumalat sa social media ang iba’t ibang reaksiyon sa kanyang pagganap sa martial law special ng GMA Network.

Brush it off...

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Sa kanyang Twitter account nitong Lunes ng umaga, nauna na ring nagpasalamat ang Pambansang Bae sa fans at iba pang manonood na nagpahayag ng kanilang paghanga sa kanyang ginawang TV special.

Sa isa ring panayam ilang araw bago ipalabas ang martial law special, sinabi ni Alden na hindi siya nangangamba sa mga kritisismong maaari niyang tanggapin.

Pahayag ng 25-year-old Kapuso actor, "It's actually just for the purpose of showcasing what happened during Martial Law. It's not related to any political issue."

Ang anak naman ni Boni na si Dey Ilagan ay nagpasalamat kay Alden sa pagtanggap ng aktor sa naturang proyekto.

Naghayag din ng pasasalamat si Direk Adolf sa natanggap na papuri mula sa netizens na nanood ng martial law special ng GMA News and Public Affairs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GMA-7'S MARTIAL LAW SPECIAL. Parehong idinitene sina Boni at Pete sa 5th Constabulary Security Unit (CSU) sa loob ng dalawang taon.

Makailang-beses silang dumanas ng labis na torture upang sila'y sapilitang magsabi kung saan nagtatago ang iba pang kasapi ng kanilang kilusan laban sa gobyerno. 

Naranasan ni Boni na malamog ang binti dahil sa pambubugbog, at makailang-beses siyang tinutukan at tinakot na paputukan ng baril.

Pinaghubad din siya at tinurukan ng walis-tingting sa kanyang ari, ngunit hindi pa rin ipinagkanulo ni Boni ang mga kasamahan.


Maging si Pete ay dumanas ng matinding pagpapahirap sa kamay ng 5th CSU.

Pinaghubad ng damit si Pete at makailang-beses na binuhasan ng tubig habang dumanas ng matinding pambugbog sa loob ng isang air-conditioned cell.

Ngunit sa kabila ng lahat ng pang-aabuso sa kanya, hindi rin ipinagkanulo ni Pete ang iba nilang kasamahan.

Sa huling bahagi ng docu-drama special, makikitang sabay pinalaya at lumabas ng kulungan sina Pete at Boni.


Kasabay nito ay nabalitaan ni Pete ang pagkamatay ng kanyang kapatid na si Eman Lacaba, isang makata, na kabilang sa naiulat na apat na New People's Army (NPA) na nahuli at nabaril sa engkuwentro laban sa mga sundalo sa Mindanao.

Ilang araw makalipas ng kanilang paglaya, ang nakababatang kapatid naman ni Boni na si Lina Ilagan ay nadakip. Hindi na ito muling nakita.

Si Lina, na tulad ni Boni ay kasapi ng Kabataang Makabayan, ay kabilang sa 800 na Desaparecidos o mga nawawala mula noong panahon ng batas militar.

Sa Huwebes, Setyember 21, 2017, ang ika-45 anibersaryo ng pagdedeklara ng martial law sa Pilipinas.

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw na ito bilang National Day of Protest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN