Loisa Andalio has no problem working with Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Loisa Andalio says she's very happy with the success of Joshua Garcia and Julia Barretto's love team, and that she and Joshua have no problems working together again on the set of the upcoming primetime series The Good Son.


Nagtataka si Loisa Andalio kung bakit iniintriga sila ng The Good Son co-star niyang si Joshua Garcia.

“Hindi ko nga po alam e.

“Pero wala naman pong problema sa akin iyan.

“Basta ako po ay ginagawa ko po yung work ko po,” sabi ni Loisa.

Nag-react din ang 18-year-old actress sa isyung tila nao-awkward daw sila sa isa’t isa ni Joshua at hindi nagpapansinan sa tuwing nagkakasama sila, gaya na lang ng nakita diumano sa viral video sa ASAP Chillout.

Sa naturang video raw ay tila nag-make face at hindi nakisali sa tanungan si Loisa habang ini-interview sina Joshua at Julia Barretto para sa promo ng pelikula nilang Love You To The Stars And Back.


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia on Loisa Andalio:
Joshua Garcia on Loisa Andalio: "Wala kaming problema."

Si Joshua kasi ang naunang naging ka-love team ni Loisa pagkatapos nilang lumabas sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Nagkasama pa sila sa afternoon teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita noong 2015. Pero pagkatapos nito ay pinaghiwalay na sila.

Si Joshua ay ipinarehas sa iba, pero ang kilalang ka-love team niya ngayon ay si Julia matapos silang magsama sa mga pelikulang Vince and Kath and James at Love You To The Stars And Back.

Nagkasama rin sila sa isang episodes ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Maging si Loisa ay iba-iba rin ang nakapareha.

Ipinares siya kay Yves Flores sa Be My Lady, kina Jameson Blake at Mark Oblea sa My Dear Heart at Wansapanataym: My Hair Lady, at kay Jerome Ponce sa Wansapanataym: Candy Crush.

Paliwanag pa ni Loisa, “Hindi po ako nao-awkward.

“Wala pong ilangan sa amin ni Joshua.

“Yung sa ASAP Chillout, siguro po nabigyan na lang po ng ibang meaning ng ibang tao.

“Pero wala po talaga kaming problema ni Joshua.

“Nagulat na nga lang po ako na nag-viral iyon.”

Masaya ba siya para sa love team nina Joshua at Julia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Loisa, “Opo naman.

“Happy po ako sa success po ng love team po nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Loisa sa grand presscon at special screening ng The Good Son, nitong Lunes ng gabi, September 18, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

REUNITED. Wala raw problema kay Loisa na muli silang magkatrabaho ni Joshua sa bagong ABS-CBN primetime teleseryeng The Good Son, mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television.

Aniya, "Magkaibigan naman po kami ni Joshua.

“Siguro kung may problema po kami sa isa’t isa, hindi naman po namin tatanggapin itong The Good Son.”

Ngayong reunited na sina Loisa at Joshua sa naturang serye, napag-usapan na ba nila ang intriga sa tungkol kanilang dalawa?

Ayon kay Loisa, “Wala naman pong dapat pag-usapan kasi okay naman po kami ni Joshua.

“Wala pong problema. Okay po kami sa set.

"Work-work po kami."

Hindi na lang daw pinapansin ni Loisa ang mga intriga dahil very blessed siya sa kanyang career.

Thankful nga raw siya sa Dreamscape sa pagbibigay lagi sa kanya ng projects.

Sa The Good Son ay gagampanan ni Loisa ang role ni Hazel, na magiging ka-love triangle nina Joshua at Jerome Ponce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN