Matthias Rhoads on pursuing acting career in the Philippines: "I feel in my heart this is meant for me."

IMAGE Noel Orsal

When he joined a Philippine Independence Day parade in New York City, newcomer Matthias Rhoads did not expect that it would be the start of his showbiz career.


Halos isang taon pa lamang sa local showbiz ang hunky Kapuso newcomer na si Matthias Rhoads.

Siya ang gumaganap na leading man ni Marian Rivera sa bagong primetime series ng GMA Network, ang Super Ma’am.

Unang nagmarka sa publiko si Matthias sa sikat na Jollibee commercial na pinamagatang "Vow," kung saan siya ang gumanap na groom.

Ipinanganak at lumaki sa Amerika ang half-Pinoy, half-American na binata.

Paano ba siya napunta sa Pilipinas?

Kuwento niya, “I’m in New York City, I have an office job.

"Then a friend, she invites me to be in the New York Philippine Independence Day parade.

“She says, ‘Okay, we need a Lapu-Lapu in my group, we’re Cebuanos.’

“I said, ‘Yeah, I’ll do it, I’ll do it! Coz I’m half-Filipino, so yeah, I wanna do it!”

Habang nasa parada raw si Matthias ay nagulat siyang tila maraming taong interesado sa kanya.

“I feel in my heart this is meant for me, this is...

“I really need to do this, maybe something will happen.

“All these people are looking at me asking for selfies.

“They’re asking me, ‘Are you an actor?’

“I said, ‘I act when I was younger—in a Shakespeare play in school and in musicals, and I’m taking workshops 'coz I wanted to be an actor.

“But I had a day job so I could not quit my day job.”

Patuloy ni Matthias, “I met hundreds of people.

“One of them wrote a blog about me, and then his friend invited me.

“And then from that, so many different managers were approaching me on Facebook saying, ‘Come to the Philippines instead, if you’re not doing that in New York, you need to do it here.’”

At pumunta na nga sa Pilipinas si Matthias.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matthias sa grand launch ng Super Ma’am, sa Le Reve Events Place, noong September 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PURSUING ACTING. Marami raw kinausap na managers si Matthias.

“I signed with the one that I thought was my best match,” aniya.

Si Matthias ay pumirma sa Prima Stella Talent Management.

Pagkatapos noon ay nag-audition siya para sa defunct Kapuso primetime series na Meant To Be, kung saan nagkaroon siya ng special participation.

Nag-audition din siya sa My Love From The Star bilang lead actor na kapareha sana ng karakter ni Jennylyn Mercado.

Hindi niya nakuha ang role na kalaunan ay napunta kay Gil Cuerva.

Ayon kay Matthias, bago ang Super Ma’am ay hindi niya kilala si Marian.

Ang alam lang daw niya noong siya ang nag-audition ay isang malaking artista ng GMA ang makakasama niya.

Nang nalaman daw niyang si Marian ang magiging kapareha niya ay ni-research niya ang aktres.

“Oh, my gosh, so many projects!” ang una raw niyang nasabi nang makita niya sa Google kung sino si Marian.

Sabi pa niya tungkol sa Kapuso star, “Super-ganda, she’s so beautiful. This is great!”

Naging advantage ang pagiging Inglisero ni Matthias para makuha niya ang role ni Trevor na isang foreigner sa Super Ma’am.

“So it fits me,” sambit niya.

LIFE BEFORE SHOWBIZ. Amerikano ang ama ni Matthias at Pilipino naman ang kanyang ina.

Hindi ito ang unang beses ni Matthias na pumunta sa Pilipinas.

“We visited then years ago for the first time, then again maybe five years ago, then maybe like three years ago.

“I think this is my fourth or fifth time,” kuwento ng 25-five-year-old model-actor.

Nagtrabaho sa isang insurance company sa Amerika si Matthias.

Bago raw siya mag-resign sa trabaho ay nagpaalam muna siya sa kanyang boss kung puwede siyang magbakasyon sa Pilipinas ng dalawang linggo.

Patuloy na kuwento ni Matthias, “This is my favorite part!

“I came here for two weeks, I begged and begged my boss, two weeks vacation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And he said, ‘Nobody takes two weeks!’

“So I came here for two weeks.

“On the second week, confirmed, I have a job.”

Tinawagan daw niya ang boss niya para mag-resign at sabihing nasa showbiz na siya.

Hindi raw agad makapaniwala ang former boss ni Matthias.

“He goes, ‘Showbiz?!? That’s completely different from insurance!’

“And you know, he wasn’t even mad, he says, ‘Wow, good for you! I can see you doing that much more than what you’re doing with me!’

“He’s always mad at me at work,” saad pa ng binata.

Pero alam daw ni Matthias na natuwa ang kanyang dating boss sa magandang kapalaran niya sa Philippine showbiz.

“Yeah, he was very impressed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN