Daddy Bae defends son Alden Richards over martial law special

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Daddy Bae (left) defends son Alden Richards after a netizen criticized the Kapuso actor for portraying a man who defied the Marcos regime during the martial law era. 


Ipinagtanggol ni Richard Faulkerson Sr., mas kilala sa tawag na Daddy Bae, ang anak na si Alden Richards laban sa netizen na bumatikos sa Kapuso actor dahil sa paglabas nito sa martial law docu-drama ng GMA News and Public Affairs.

Sa Alaala: A Martial Law Special, na ipinalabas sa GMA Network noong Linggo, September 17, ginampanan ng 25-anyos na aktor ang buhay ni Bonifacio “Boni” Ilagan.

Si Boni ang founding director ng Kabataang Makabayan ng University of the Philippines-Diliman at first-quarter-storm veteran sa panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Siya ang kasalukuyang vice chairperson ng Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA), isang grupo ng mga naging political detainees.

Kasama ni Alden dito si Rocco Nacino, na ginampanan naman ang papel ng isa pang first-quarter-storm veteran at batikang manunulat ng Free Press na si Jose “Pete” Lacaba.

Bilang pagsuporta kay Alden, sunud-sunod ang tweets ni Daddy Bae sa Twitter tungkol sa docu-drama na pinagbidahan ng anak.

Ngunit isang netizen (@ann_viniegas) ang nag-tweet na wala raw nanood ng nasabing programa dahil galit ang mga Ilocano sa aktor.

Buong tweet ng netizen: “walang nanood, galit lahat ang mga Ilocano sayo! sayang idol p nmn kta!”

Ang lalawigan ng Ilocos Norte ay kilalang balwarte ng mga Marcos, at malaking porsiyento ng populasyon dito ay nananatiling mga loyalista ng dating diktador.


Sinagot ni Daddy Bae ang komento ng netizen.

Sinabi nitong ang lola raw mismo ni Alden ay Ilocana, mula sa Sinait, Ilocos Sur.

Giit pa ng ama ni Alden, walang personalan ang pagganap ng anak at trabaho lamang ito.

Bago ito, una nang ipinahayag ni Alden na hindi siya nagpapaapekto sa mga bumabatikos sa kanyang pagtanggap ng role sa martial law docu-drama.


Stories We Are Tracking

Alden unperturbed by bashers of his martial law special
Alden unperturbed by bashers of his martial law special

Samantala, pumanig naman kay Daddy Bae ang maraming netizens at ipinagtanggol si Alden.

May netizens namang nagsabi na mga Ilocano rin sila at hindi sila galit sa paglabas ni Alden sa martial law docu-drama, bagkos ay "mas naging proud" fans pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN