Vilma Santos reveals why she likes Jessy Mendiola for son Luis Manzano

IMAGE Rommel Llanes

Congresswoman Vilma Santos on Jessy Mendiola: "One thing I noticed with Jessy... hindi ko po nakikitaan na kinukumpetisyon si Lucky. 'Hindi ako star, I'm the girlfriend.'  Siyempre, kahit naman ako, imbitahin mo, meron pa rin akong arteng Vilma, di ba, yung artista. Pero pag may dinner kami, wala, e, hindi nakikipag-compete, it's just that: 'I'm the girlfriend.'"


Kahit abala sa kanyang tungkulin bilang mambabatas, prayoridad pa rin daw ni Batangas Sixth District Representative Vilma Santos ang kanyang pamilya.

Ito ay sa kabila ng pareho nang malaki ang kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Saad ng Star for All Seasons, “Kung kailangan ako ng anak ko or ng pamilya ko, I’ll stay with them.

“Sabi nga nila, ‘Puwede mo na naman iwan 'yang mga anak mo, ilang taon na mga anak mo...'

"Lucky is 36. Si Ryan ko ngayon is 21, fourth year college."

Ngunit iba pa rin daw yung nariyan siya bilang ina.

Every other week ay mayroon nga raw silang family dinner, kasama si Luis. 

Dito raw nila napag-uusapan ang lahat ng bagay, pati na ang love life ng kanyang mga anak.

"Dala niya paminsan si Jessy," sabi nito patukoy kay Jessy Mendiola, ang girlfriend ngayon ni Luis.

Sabay-dagdag na may konting ngiti sa mata, "O kung sino man ang girlfriend niya."

Naa-appreciate naman daw ito ng actress-politician.

Sabi niya, "Well, the mere fact na dinadala ng anak ko, that’s respect.

“'I want you to meet my family...' And that’s respect, so dinadala niya, so we met.

“Kasi, that’s the only time na family day na we talk on anything, like, ‘O, ano ba yung show mo, anak?' 'Ano na ang nangyayari? o ‘Anak, tinitira ka ng bashers.’”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial team si Vilma sa kanyang tanggapan sa House of Representatives, ngayong Martes ng hapon, September 19.

Iginawad ng PEP kay Vilma ang kanyang parangal bilang THE PEP LIST Year 4 Female Movie Star of the Year para sa kanyang pelikulang Everything About Her.


Stories We Are Tracking

THE PEP LIST: Vilma Santos wins Movie Star of the Year
THE PEP LIST: Vilma Santos wins Movie Star of the Year

JESSY MENDIOLA. Hindi si Jessy ang unang girlfriend ni Luis na ipinakilala ng TV host-actor kay Vilma.

Masasabi ba ni Vilma na si Jessy ang pinakagusto niya sa lahat ng naging kasintahan ng panganay na anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “She’s very nice. No, no... hindi sa ganun.

"It’s just kung magugustuhan ng anak ko, then why not?"

Ipinaalala namin sa kanya na halos ganito rin ang sinabi niya noon tungkol kina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, at Nancy Castiglione, na mga ex-girlfriends ni Luis.

Sabi naman ni Vilma, “Yeah, that’s true. Kasi I… but one lang I noticed with Jessy...

"Kasi puro artista lang yung nagiging girlfriend ng anak ko, e.

"But one thing I noticed with Jessy... hindi ko po nakikitaan na kinukumpetisyon si Lucky.

“'Hindi ako star, I’m the girlfriend.'

"Siyempre, kahit naman ako, imbitahin mo, meron pa rin akong arteng Vilma, di ba, yung artista.

“Pero pag may dinner kami, wala, e, hindi nakikipag-compete, it’s just that: 'I’m the girlfriend.'"

Dagdag pa ng Star for All Seasons, “I think, yun lang, just one thing na puwede ko lang sabihin, hindi ginagawang kumpetisyon si Lucky, I think.

"That’s my ano po... that’s my opinion."

LOLA VILMA? Minamadali na nga ba niyang bigyan siya ni Luis ng apo?

Paglilinaw ni Vilma, “Lambing lang yun kapag magdi-dinner kami.

“Ganito totoong istorya nun... ‘Dyusko, anak, 36 ka na,’ sabi ko.

"Ang baby namin, puro aso. Sabi ko, ‘Nak, baka ano… wala na tayong baby.’

“Sabi niya, ‘Mom, soon, soon, don’t worry. Mom, kung hindi pa ako, baka si Ryan can give you.'

“Sumagot yung anak ko [Ryan], ‘Mom, if Kuya cannot give you baby, you want me to give you na?'

"Yung ganun ba, usapang pamilya?”

Handa na talaga siyang maging lola?

Sagot ni Vilma, “Masarap daw po, e. Kasi wala na rin kaming baby.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN