Secretary Martin Andanar defends Mocha Uson's trip to New York; sings more praises for President Duterte

IMAGE Noel Orsal

Asked about President Rodrigo Duterte—who has come under more fire because of his language—PCOO Secretary Martin Andanar was all praises, saying the president likes to make jokes even in cabinet meetings.


May mga kumukuwestiyon sa pagpunta ni Mocha Uson, Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary, sa New York, kasama ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Si Cayetano ay tumulak papuntang America upang i-represent ang bansa sa United Nations General Assembly na takdang ganapin ngayong September 19, Tuesday (New York time; September 20 rito).

Tatalakayin dito ang mga usapin ng nuclear weapons at climate change.

Hindi maintindihan ng marami kung bakit nasa official entourage si Mocha.

Sinabi naman ng boss nitong si PCOO Secretary Martin Andanar na may permiso niya ang pag-alis ni Mocha, na siyang mananatili sa New York habang hindi pa tapos ang official trip ni Secretary Cayetano.

“I gave her a travel order to join Secretary Alan Peter Cayetano Secretary because ni-request ni Secretary Allan for Mocha to join.

“We know the followers of Mocha, talagang either migrants or OFWS, ang lakas niya talaga.

“Nagpaalam naman si Mocha,” paliwanag ni Andanar.

Lehitimong isyu sa publiko ang anumang biyahe ng government appointees gaya nina Mocha at Cayetano dahil na rin sa public funds, o buwis ng mamamayan, ang gamit nila sa ganitong mga lakad.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang PCOO Secretary kahapon, September 19, sa Annabel's restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Sa ibang banda, kasalukuyang under investigation din si Mocha dahil sa reports na nagtanghal ito sa isang casino sa Pasay City.

Ang pagbisita ng sinumang opisyal at empleyado ng gobyerno sa mga casinos ay ipinagbabawal ng Presidential Decree No. 1067-B (Series of 1977), as amended by PD No. 1869 (series of 1983).

Ang Legal Office ng PCOO ang kaso ni Mocha.

ALL PRAISES FOR THE PRESIDENT. Dinepensahan din ni Andanar si Presidente Rodrigo Duterte, na umaani ng mas maraming batikos ngayon, nang tinanong siya ng PEP.ph tungkol sa pangulo.

Gaya ng inaasahan, papuri ang mga binitawang salita ni Andanar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “He’s a very, very sincere, competent, and a very patriotic person.

“That’s what I can say, and he just wants the best for this country, and he just wants us to move forward.

“If he did it in Davao, that’s what he’s doing here.

“There are people that may be affected by the president’s pronouncements, but I tell you, everything that he does is for the Filipino.

“We can see the changes.”

Palabiro rin daw ang pangulo.

“He’s really funny.

“Kapag nasa gabinete kami, ganoon din, nagdyu-joke siya, nagpapatawa pa rin siya,” kuwento pa ni Andanar.

“Ganoon talaga siya magsalita, but you know…

“For example, all the cabinet members are there, mga thirty, we start the cabinet meeting at two P.M., three P.M.

“It goes all the way to eleven o’clock."

Dagdag ni Andanar, “Halimbawa, ikaw, you prepared your presentation, as in makikinig talaga siya all the way, and he puts so much premium, he appreciates a well-prepared presentation.

“The president is a macro-manager so he gives us elbow room to do whatever we do.”

Napagalitan na ba siya ng presidente?

“Hindi pa naman,” sagot ng PCOO Secretary.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN