Ruffa Gutierrez gives up on mom Annabelle Rama ever approving of her BF

IMAGE Noel Orsal

Ruffa Gutierrez has been in a relationship with French-Israeli boyfriend Jordan Mouyal for four years, but her mom Annabelle Rama still disapproves of him. 


Kahit apat na taon na ang relasyon ni Ruffa Gutierrez sa French-Israeli boyfriend niyang si Jordan Mouyal, tutol pa rin daw ang ina ng aktres na si Annabelle Rama.

Ayon kay Ruffa, “Si Mommy, I don’t think she will ever accept anyone for me... I think.

“But I’m just keeping it quiet kasi magkasundo kami ni Mommy ngayon, so iniiwas namin ang topic na ganun, tungkol sa love life.

“Puro business lang kami at work.

"Huwag na nating ipilit. Kung ayaw, e, di huwag."

Hindi kaila sa marami na very vocal si Annabelle sa di niya pagsang-ayon sa kasalukuyang relasyon ni Ruffa, maging sa mga dati nitong nakarelasyon.

Ngunit paglilinaw ni Ruffa, sa kanilang pamilya ay tanging ang ina ang hindi pumapabor sa kanyang foreigner boyfriend.

“Siya lang naman. It’s only my mom.

"The rest naman get along with him," sabi ng 43-anyos na aktres.

Maging ang dalawang anak ni Ruffa ay kasundo raw ang kanyang boyfriend.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagpirma niya ng kontrata sa ALV Talents Circuit ng talent manager na si Arnold Vegafria noong nakaraang linggo.


Ruffa Gutierrez (center) signs up with ALV Talents Circuit to co-manage her career. With Ruffa are mom and manager Annabelle Rama (left) and ALV Talents Circuit head Arnold Vegafria. 

ON WEDDING BELLS.  Hindi gaya ng mga nakaraang relasyon ni Ruffa, mas tahimik ang kanyang current relationship.

“It’s been four years, but it’s quiet. I’d like to keep it that way,” sabi niya.

Nagbabahagi siya ng mga larawan nila ni Jordan sa social media, pero hindi niya ito masyadong pinag-uusapan sa interviews.

Paliwanag ni Ruffa, “I like quiet relationships, yung steady lang, walang masyadong gulo, walang masyang nakikialam.

“I think that gives you peace of mind.”  

Pero paglilinaw ng aktres, wala pa siyang balak magpakasal sa boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “As of now, wala pa.

"I’ve been there, I’ve done that, so di naman ako masyadong nagmamadali.

“If someone comes in my life na nakita ko naman will change my life in a great way, then let’s see, let’s take it from there.”

Ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003. Naghiwalay sila noong 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN